LUCINE'S POV:
"ANAK?" tawag sa akin ni Mama na nasa labas ng kwarto ko, pero nanatili akong nakahiga sa aking kama. Kanina pa ito kumakatok sa labas ng pinto ko pero hindi ko ito pinagbubuksan. Hanggang sa marinig ko ang pagpihit ng door knob at mahinang yabag, lumundo ang kama ko nang may umupo doon.
"Tatlong araw ka nang nagkukulong dito sa kwarto mo, wala ka bang balak lumabas man lang?" wika nito.
Nanatili akong nakatalikod sa gawi ni Mama habang pinipigilang maiyak.
I feel useless and failure as a daughter because of what happened between Luke and I. Nahihiya akong harapin ang magulang ko dahil nasayang ang effort nila sa pagtulong sa kasal sana namin.
Naramdaman ko na lang ang isang braso na yumakap sa akin habang hinihimas ang balikat ko na tila inaalo ako.
"Anak, kausapin mo si Mama. Alam kong nahihirapan ka dahil sa nangyari sa inyo ni Luke. Kung kami nang Papa mo ang iniisip mo, hindi kami galit anak. Naiintindihan namin kung bakit ka nagkukulong dito sa kwarto mo pero tatlong araw na ang lumipas at hindi ka rin kumakain. Baka magkasakit ka niyan." bakas sa boses ni Mama ang pag-aalala at sa isang iglap, nakaharap na ako sa kanya at gumanti ng yakap habang umiiyak sa kanyang dibdib.
Tanging ang pag-iyak ko ang namayani sa loob nang apat na sulok ng kwarto ko habang yakap-yakap si Mama. Hindi ko alam kung paano silang haharapin dahil sa kahihiyan na dinala ko rito sa loob ng pamamahay namin.
"Tumahan ka na, anak." puno ng pag-aalala sa boses ni Mama pero hindi ko kayang magsalita at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Ano na lang ang sasabihin ng angkan nang Veravesta na hindi naman pala matinong lalaki si Luke at isa pa pinagmalaki ko pa sa kanila na magiging mabuting asawa ito at mali ang kanilang iniisip?
"Celeste?" ramdam kong lumingon si Mama sa gawi ni Papa na sa tingin ko ay nasa bukana ng pinto nitong kwarto ko nang tawagin niya ang pangalan ni Mama. "Tumawag sa akin si Lucia at sinabi niyang kailangan nating umuwi ng Isabela."
Bumangon si Mama mula sa pagkakahiga nito at saka hinarap si Papa. Marahan ko ring pinunasan ang luha ko at tinignan si Papa bago ito lumapit sa amin.
"Bakit? May nangyari ba?" may pagtatakang tanong ni Mama.
Pinakaayaw kasi nito na magkaroon pa ng ugnayan sa mga Veravesta pero wala kaming magagawa dahil pamilya pa rin 'yon ni Papa.
"Nasa ospital si Grandpa at ibinilin nito na papuntahin ang pamilya natin sa Isabela." lumapit sa akin si Papa at saka ako hinila para yakapin niya. "Gusto mo bang sumama anak? Hinahanap ka nang Lolo mo sa akin. Okay lang naman kung ayaw mong pumunta lalo na ngayon sa pinagdadaanan mo."
Ang Grandpa na tinutukoy ni Papa ay ang Ama ng Ama ni Papa. Our Great Grandfather is still alive at siya ang dahilan kung bakit nasa masaganang pamumuhay ang Veravesta ngayon.
Gumanti ako ng yakap kay Papa para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
"S-Sasama po ako, Pa."
"Gusto mo bang isama si Cassius?"
Napaangat ang mukha ko papunta kay Papa at may pagtatakang tinignan ito. Mula nang mangyari ang sagutan namin ni Luke, iniwan ako ni Cassius dito sa kwarto ko at kinausap nito ang mga magulang ko. Wala akong ideya kung ano ang pinag-usapan nila pero tatlong araw na rin na hindi tumawag sa akin si Cassius.
"P-Pero Pa, may kasalanan pa ako sa Boss ko." nakayukong sagot ko habang kinukutkot ang aking kuko dahil sa hiya.
Hindi ko nga maharap ng maayos ang magulang ko, si Cassius pa kaya? Isang malaking pagkakamali na idawit si Cassius sa problemang sa amin lang dapat ni Luke pero hindi ko alam kung bakit ko tinawagan si Cassius nang gabing 'yon para pakalmahin ako.
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romance**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...