Prologue

860 15 0
                                    

Akala ko sobrang perpekto na ng buhay ko mula nang makilala ko ang lalaking mamahalin ko ng sobra.

Akala ko wala ng problema kung sakaling malagay na kami sa tahimik at mamuhay ng payapa bilang mag-asawa.

Pero akala ko lang pala 'yon.

Para akong tanga habang nakatitig sa nakayukong si Luke sa harapan ko. He called me because he wanted to talk to me with some important matters.

Akala ko tungkol sa kasal ang pag-uusapan namin.

"Nabingi ba ako dahil sa ingay ng restaurant na ito o 'yon talaga ang sinabi mo?" hindi talaga ako makapaniwala sa mga katagang binitawan niya.

Luke raise his head to face me. Para siyang naiiyak na hindi ko maintindihan. Kung pwede nga lang ihampas sa kanya ang mesa na nasa gitna namin, ginawa ko na.

"N-Nakabuntis ako at tama ang narinig mo, Lucine."

Para akong binagsakan ng nucler bomb. Isang malakas na pagsabog ang naririnig ng tenga ko gayong sinabi lang naman niya na nakabuntis siya.

Like what the fvck?

I clench my fist on my lap as I compose myself so I won't burst out my anger. Masama akong magalit.

"Nakabuntis ka? Pvtangna Luke!"

He flinched from his chair when he heard my cuss.

Hindi ako palamura na tao pero tangina talaga.

"Anong kulang sa akin na hindi ko naibigay para magawa mo ang bagay na 'yan? Ang katawan ko ba kaya ka naghanap ng iba? Tangna! Luke, ikakasal na tayo sa susunod na buwan, bakit nakuha mo pang mambuntis ng iba!?"

Nanlilisik ang mga mata ko kay Luke. Kung may laser lang ang mata ko baka bumulagta na siya sa kainuupuan niya.

"W-Wala. Walang kulang sa pagmamahal na binibigay mo sa akin. Lalaki lang ako, madaling matukso."

Pagak akong tumawa sa sinabi niya.

"Lalaki ka lang? Gasgas na ang rason na yan Luke! For fvcking sake choose another reason so that I can believe what you are saying."

"I'm sorry," he said in a whisper through the wind as he bowed his head in front of me.

"Mababago ba ng sorry mo ang panloloko mo sa akin, ha?"

He didn't utter a word. Nanatili lang siyang nakayuko.

"Nagawa mong mambabae kahit hindi pa tayo kasal, paano kung kasal na pala tayong dalawa saka mo sinabi sa akin na may ibang taniman ka na palang pinasok? Ang gagu mo, Luke!"

"Kaya nga gusto kong tapusin ang relasyon natin dahil ayokong maipit ka sa sitwasyon na ako ang may gawa."

Naihilamos ko ang sarili kong kamay sa mukha ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sakit na nararamdaman ko.

He's my first boyfriend for fvcking sake.

I thought he was the perfect one for me.

Marahas akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naalarma si Luke nang akmang pipigilan ako nito sa pag-alis. "Huwag mong subukan na hawakan ako kung ayaw mong mawala sa mundo Luke Mercado. Nandidiri ako sa'yo! Ang gagu mo na nga, bastos ka pa. Ito lang ang sasabihin ko sa'yo, wala ka ng babalikan sa akin kapag nagkanda-letse ang buhay mo. Subukan mo ring ipaliwanag sa magulang ko na hindi matutuloy ang kasal dahil kung hindi, ako mismo ang maghuhukay ng sarili mong libingan."

Tinalikuran ko na ang lalaki at mabibigat na hakbang ang ginawa ko palabas ng Trev'O grill. Tinungo ko ang sarili kong sasakyan at sumakay doon bago ko pinaharurot ang kotse.

Gusto kong magwala, sumigaw ng malakas para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na napadpad ako sa isang bar na tanging mayayaman lang ang pwedeng pumasok. Tiningala ko ang karatula na nasa taas ng building - Grind Me Harder ang pangalan ng bar.

I parked the car in front of the said establishment as I got out from car. Tanging wallet lang ang dinala ko at wala akong balak dalhin ang phone ko dahil siguradong hindi ako titigilan ni Luke kapag nalaman niyang wala ako sa bahay.

Humakbang ang mga paa ko papasok ng bar at sumalubong sa akin ang isang malaking lalaki at hinarangan ang daraanan ko.

"Sarado pa ho kami, Ma'am," sambit nito.

Umangat ang isang kilay ko. "Pwede mo namang buksan para sa akin."

"Let her in, Diego. I think she needs a drink, am I right Miss?" Lumapit sa amin ang isa pang lalaki na abala sa pagpupunas ng wine glass. He's wearing a white long sleeve with a blue blazer on top of his sleeve, his black pants, and shiny shoes.

Umalis yung Diego sa harapan ko at binigyan ako ng daan para makapasok kaya naman tuloy-tuloy ako sa bar counter nitong lugar. Pasalampak na naupo ako sa stool nang pumasok sa loob ang lalaking nagpupunas ng wine glass kanina.

"Do you have a membership card of GMH?"

"No. This is my first time here."

Napa-oh ang lalaki at basta na lang akong iniwan nito bago pumasok sa isang pinto na nasa likuran niya. Hindi naman nagtagal ang binata dahil agad itong bumalik at may iniabot sa akin na card na kulay ginto.

"This is a VIP prestigious card of GMH. You don't have to pay for any kind of drinks you want here as long as you have this."

"How much is this?"

"Nah, it's free for a brokenhearted like you."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa sinabi niya pero totoo naman. I let out a sigh as pick the card he gave to me and put it inside my wallet.

"What drinks do you like?"

"Anything, basta yung kaya akong lasingin para mawala ang sakit na nararamdaman ko."

Pumalatak ang lalaki at saka ngumisi sa akin na parang ipinapahiwatig niya na tama nga ang kanyang sinabi. Binigyan niya ako ng isang bote ng alak at isang shot glass. Sinimulan ko nang magpakalunod sa alak without minding his presence. Hindi rin naman siya nagtanong dahil wala akong balak na mag-share.

Halos paubos na ang laman ng bote at umiikot na rin ang paningin ko nang marinig ko ang ingay ng tugtog sa paligid. May mga tao na ring sumasayaw sa dance floor at ang ilan ay nababangga pa ako. Hindi ko namalayan na nagbukas na pala ang bar at mukhang ilang oras na rin akong nagpapakalunod sa alak.

Sa huling laman ng bote, agad akong tinungga ang laman no'n at nanuot sa aking lalamunan ang likido ng alak. Sumubsob ako sa bar counter para hayaan ang sarili ko na lukubin ng ingay nang paligid.

Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang bar tender na nakatingin sa akin.

"Kaya mo pa? May VIP room kami if you want to stay."

Itinaas ko ang kamay ko, "just give me another bottle of your hard drinks, please."

Napapailing ang lalaki at saka kumuha ng bote na gaya ng ibinigay niya sa akin kanina. I pour my glass as I drank it fast. Hindi pa nangangalahati ang pangalawang bote na kinuha ko nang may umupong lalaki sa tabi ko.

He's wearing a black leather jacket at tanging kalahating mukha lang nito ang nakikita ko. Out of curiosity, I got down from my chair, and without any second thought, I grabbed his jacket and claimed his lips.

"Woah!"

Parang natahimik ang mundo ko nang maglapat ang labi naming dalawa. I don't know him but I have this feeling I should kiss him and be mine. I held his face and started to move my lips against him as if I were longing for it.

"Tangna mo, Luke!"

Muntikan akong matumba nang humiwalay ako sa kanya kung hindi lang niya nahawakan ang bewang ko. Napasinghap pa ako nang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryente mula sa braso niyang nakaalalay sa likod ng bewang ko.

His face covered in horror because he's not my boyfriend when I said Luke's name after that kissed. I just smiled at him and give him a peace sign when I feel shame because of what I've done. Lasing na talaga ako at hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa ko hanggang sa lamunin ako ng kadiliman.

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon