Stranger 37: Lucky

363 6 0
                                    

LUCINE'S POV:

NORMAL day for us as we arrived inside the HuPoFEL building. Kakauwi pa lang namin mula sa Isabela at sa HuPoFEL na kami tumuloy. Mas pinili ko na lang na manirahan dito kaysa bumalik sa condo ni Cassius. Wala rin naman siyang magagawa dahil nandito ang trabaho niya at ang anak namin na muling ibinalik sa capsule para pag-aralan ni Gun kung magiging stable na ba ang dugo sa katawan ni L'usine mula kay Luther.

Pagpasok pa lang namin sa ground floor, sumalubong sa amin ni Cassius si Fourth at humihingi ng high five na agad naman tinugunan ni Cassius.

"Thanks, pare," ani ni Fourth na siyang ipinagtataka namin ni Cassius.

"Psh! What the hell is he thanking for?" bulong nito nang makapasok kami sa loob ng elevator.

"Ewan ko? Magkasama tayo 'di ba?" inosenteng sagot ko.

Nang huminto ang elevator sa ikatlong palapag, agad kaming lumabas at nakasalubong namin si Senri at Calvin na nakipag-high five rin kay Cassius na walang atubiling tinugunan naman ng asawa ko.

"Where are you going?" usisa ni Cassius sa dalawa.

"Mission, thanks dude."

Nilagpasan kami ni Senri at Calvin kaya nagkatinginan na lang kami ni Cassius hanggang sa maglakad kami papunta sa kwarto at nagpasyang magbihis muna dahil dadalawin namin si L'usine sa laboratoryo ni Gun.

Alam kong weirdo ang mga tao rito pero lalo silang nagmukhang engot dahil sa ginagawa nila sa asawa ko. Wala kaming ideya kung ano na naman ang trip nila hanggang sa muli kaming lumabas ni Cassius at tinungo ang lugar kung saan naroon ang laboratoryo ni Gun. Nadatnan namin si Gun at Luther na nagmamasid sa loob ng kapsula kung saan naroon ang anak namin.

"How's it going?" untag ni Cassius nang makapasok kami at saka kami lumapit sa gawi ni Luther na magkasalikop ang braso sa ibabaw ng dibdib nito.

"As of now, his body are responding from my blood and I think he can handle it after some test," ani ni Luther.

"Hindi ba siya nahihirapan diyan sa loob ng kapsula?" may pag-aalalang tanong ko.

"Not really. May espesyal na likido ang kapsula na yan at isa pa wala naman kaming balak na saktan ang anak niyo so you don't have to worry. Maybe next week he can play with other kids and live his life to the fullest like a normal human," sabat naman ni Gun.

Lumapit ako sa kapsula at inilapat ang palad ko at napangiti ako nang magmulat ng mga mata si L'usine.

"Hi baby," bati ko.

"Hello, Mommy. I love you."

Ganyan lang ang linyahan ni L'usine kapag nasa loob ng kapsula pero kapag nasa labas naman ay tanging mommy at daddy lang ang nasasambit niya tulad ng mga ibang bata na nakatuntong sa edad na dalawang taong gulang. But Gun said he's normal except for his blood coming from Luther.

"Love ka rin namin ni Daddy, baby. Pagaling ka po, okay?" marahang tumango si L'usine na tila naiintindihan nito ang sinasabi ko at saka kami muling lumabas ni Cassius mula sa laboratoryo ni Gun.

"Anong plano natin sa birthday ni L'usine?" untag ko kay Cassius habang nakaakbay ito sa akin at tinatahak namin ang pasilyo patungo sa elevator.

"You can plan whatever you like for him, baby. Di ko rin naranasang mag-birthday eh."

"Weh? Seryoso ka dyan?" takang tanong ko nang makapasok kami sa elevator at siya na mismo ang pumindot non papunta sa geound floor.

"Hmm. After my mom died, Dad never celebrated my birthday. I don't know his reason since I didn't asked him. Hinayaan ko na lang."

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon