Stranger 2: Creighton Enterprises

568 14 0
                                    

LUCINE'S POV:

--
LUTANG ang utak ko hanggang sumapit ang lunch break. Hindi pa sana ako aalis sa kinauupuan ko kung hindi ako pinuntahan ni Rain.

"Lucine, galit ka ba sa akin?" aniya habang nakatayo sa gilid ng mesa kung saan ako nakapwesto. Wala si Mr. Creighton ngayon kaya malayang nakakalabas pasok si Rain para sunduin ako tuwing breaktime.

"Hindi ako galit Rain, nagulat lang ako sa nakita ko. Wala akong kaalam-alam na may ibang kinakatagpo na babae si Luke,"

"Hindi naman sa sinisiraan ko ang fiancé mo pero kasi matagal na rin naman 'yon. Isa pa wala na rin dito sa Pilipinas 'yong Erika dahil nasa France ito para sa isang fashion show. Huwag ka nang magtampo Lucine Celestia Veravesta, sige ka kapag nagka-anak ka kay Luke baka pumangit bigla?"

Pagak akong tumawa bago ako tumayo mula sa kinauupuan ko at hinila si Rain palabas ng opisina.

"Tara na nga bago pa kita masabunutan. Kakain na lang tayo kaysa problemahin ang fiancé ko."

Sabay naming tinahak ni Rain ang pasilyo patungong elevator at siya na mismo ang pumindot sa button papuntang ground floor kung saan naroon ang canteen ng kompanya. Libre ang pagkain sa canteen kaya nakakatipid kaming mga empleyado gayong sobra-sobra naman ang natatanggap naming sahod.

Nang marating namin ang ground floor, agad naming tinungo ang canteen at saka kami umorder ng makakain ni Rain.

"Ate isang kanin, pork adobo at coke nga po." sambit ni Rain.

"Ako po ate isang kanin, tocino at mountain dew po." saad ko naman.

Agad na ibinigay sa amin ang order namin. Dala ang tray ng pagkain, naghanap kami ni Rain ng mesa at pinili namin ang pwesto sa may bandang sulok.

"Siya nga pala, bakit mo naisipang ireto ako kay Fumiya?"

"Wala naman. Feeling ko kasi bagay kayong dalawa."

"Bakit hindi mo ireto ang sarili mo tutal magkaibigan naman kayong dalawa at mas kilala niyo ang isa't-isa?"

"Ew! Lucine. Hindi ko papatulan si Fumiya,"

"Sus! Kunwari ka pa? Diba, crush mo 'yon kung hindi lang siya naging asawa ni Tina?"

"Ewan ko sa'yo! Kumain na lang tayo bago pa ako mawalan ng gana sa sinasabi mo."

Napapailing na lang ako habang may nakapaskil na ngisi sa labi ko. May reto pa siyang nalalaman kung pwede niya namang ireto ang sarili niya kay Fumiya.

Pero napapaisip talaga ako sa article na 'yon tungkol kay Luke at Erika. Bakit walang nakarating na balita sa akin, at bakit hindi ko man lang napansin 'yon?

Siguro tatawagan ko na lang si Luke mamaya pag-uwi ko.

Pagkatapos naming kumain ni Rain, agad kaming bumalik sa opisina at saka pinagpatuloy ang naudlot naming trabaho.

Abala ako sa pag-eencode ng schedule at meetings ni Mr. Creighton nang mag-ring ang telepono sa tabi ko kaya naman agad ko itong sinagot.

"Creighton Enterprises, how may I help you?" bati ko.

"Miss Veravesta, could you please bring all the papers to my son's condo?"

Nagsalubong ang kilay ko nang makilala kung sino ang nasa kabilang linya.

"Mr. Creighton, may I know the reason?"

"Oh right, sorry to not inform you immediately Lucine. Ang anak ko muna ang pansamantalang mamamahala sa Creighton Enterprises pero mas gusto niyang sa bahay niya siya magtrabaho."

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon