Stranger 35: Wrath

338 5 1
                                    

RAIN'S POV:

"LUCINE! Please, Lucine gumising ka!" umiiyak na sigaw ko habang nakatingin sa hubad na katawan ng kaibigan ko dahil sa kahayupang ginawa ni Mercado. I can't believe he did that to my precious Lucine.

Walang ibang hinangad ang kaibigan ko kundi ang tahimik na buhay kasama ang taong magmamahal sa kanya ng totoo at mula nang malaman kong asawa niya ang anak ng aming Boss ay natuwa ako dahil sa wakas nahanap na ni Lucine ang lalaking magmamahal sa kanya.

Ngunit hindi namin inaasahan ang bangungot na ito na siyang magdadala sa amin sa kadiliman lalong-lalo na kay Lucine. Nakahiga pa rin ito sa metal na mesa at sa bawat araw na lumipas ay binababoy siya ni Luke sa mismong harapan ko at ang tanging nagagawa ko na lang ay umiyak at pumalag mula sa kinauupuan ko ngunit hindi ako makaalis dahil sa higpit ng pagkakatali sa akin.

Nanghihina na rin ang katawan ko dahil hindi kami binigyan ng pagkakataon ni Mercado na makakain o uminom man lang ng tubig at mukhang trip niya talaga kaming pahirapan ng husto. Awang-awa na ako sa itsura ni Lucine at kung pwede lang na pumatay ako ng tao ay ginawa ko na.

Marahas na bumukas ang pinto na kinaroroonan namin ni Lucine at bumulaga doon ang bulto ni Luke nang lingonin ko ito. Bagong ligo ito at mukhang may binabalak na naman sa kaibigan ko. May hawak itong posas at lubid at hindi ko alam kung saan niya gagamitin.

"Mercado! Hayup ka talaga, pakawalan mo kaming dalawa ni Lucine!" sigaw ko sa kanya ngunit nilagpasan lang ako nito at nilapitan si Lucine.

Kinalas nito ang pagkakatali ni Lucine sa mesa at pinalitan ng posas ang mga kamay bago binuhat at isinabit sa pader ng kwarto ang katawan ni Lucine na tila hayop sa kung saan kami naroon.

Lumingon sa akin si Luke at ang blangko nitong mukha ang bumalandra sa akin, "you know what? Hindi ka naman kasali dito pero masyado kang pakialamera kaya magtiis ka sa kung ano man ang gagawin ko kay Lucine dahil una pa lang sa akin naman talaga siya."

I gritted my teeth because of anger. "Baliw ka na! Kung sana naging matino ka lang hindi aabot sa ganito ang pangbaba-baboy mo kay Lucine! Bakit hindi ka na lang makontento sa babae mo at hayaan mo si Lucine sa buhay niya kasama si Cassius!?"

Naningkit ang mga mata nito at nangilabot ang buong katawan ko nang maglakad ito palapit sa akin at tila nabingi ako nang isang malakas na sampal ang pinakawalan nito sa mukha ko.

Walang sinuman ang nagbuhat ng kamay sa akin na kahit si Fumiya ay hindi ako magawang padapuan ng langaw o kahit lamok. Pero itong pvtangnang Luke Mercado na 'to, wala siyang sinasanto!

"Don't you ever say that name in front of me, Rain," hinaklit nito ang mukha ko at mahigpit na diniin ang daliri niya sa aking pisngi. "That damn Creighton has no right of claiming what is mine! Sa akin si Lucine, sa akin lang siya habambuhay!"

"Walang sa'yo, kaya pwede ba lubayan mo si Lucine! Pinili mong magloko tapos ngayong nasa tahimik na si Lucine ay guguluhin mo? Gagu ka talaga kahit kailan!" pagmamatapang ko kahit na ang totoo ay sumasakit na ang panga ko dahil sa pagkakadiin ng paghawak niya sa aking pisngi.

"Wala kang alam! Mahal ko si Lucine at walang sinuman ang pwedeng kumuha sa kanya mula sa akin. Magkakamatayan muna kami bago mangyari 'yon!" singhal pa nito sa akin.

"Kung ipalunok ko kaya ang bala ng baril ko sa bunganga mo, papayag ka ba Mercado!?"

Sabay kaming napalingon ni Luke sa bukana ng pinto at apat na babae ang aming nakita. Nakasandal ang dalawa sa bukana ng pinto habang ang dalawang babae naman ay nakatayo lang sa gilid ng pader. Hindi ko kilala ang mga babaeng ito.

Nakasuot ang mga ito ng itim na leather jacket, itim na pantalon, may holster ng baril sa kanilang bewang at ang isa ay merong katana na nakasabit sa likuran nito. They look like a ninja.

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon