LUCINE'S POV:
ANG ingay ng ibon at ng mga dumaraang sasakyan ang siyang nakapagpagising sa diwa ko kaya naman unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ngunit ang bumungad sa akin ay ang natutulog na mukha ni Cassius.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa tabi ko siya at tila isang panaginip lamang ang nangyari kagabi pero ang presensya ni Cassius sa aking tabi ay sumisimbolo na hindi lamang siya isang kathang-isip.
Humigpit ang yakap ko sa katawan ni Cassius kaya naman pumihit ito paharap sa akin at ikinulong ako sa mala-bakal niyang braso. Ngayon ko lang napansin na puro peklat rin ang kanyang braso at medyo humaba ang kanyang buhok.
"Cassius..." paos ang boses na tawag ko sa kanya.
"Hmm?" ungol nito.
"Nagugutom na ako.." ungot ko sa kanya na parang bata. Naalala ko hindi pa pala ako kumain kagabi dahil mas pinili kong matulog kaysa maalala ang tagpo namin ni Luke kahapon.
Marahang hinalik-halikan ni Cassius ang aking noo at nang magsawa siya napunta 'yon sa tongki ng aking ilong hanggang sa sakupin niya ang aking labi.
"Good morning, wife," nakangiting wika niya matapos niya akong bitawan at tumihaya siya sa kama bago marahang bumangon. "Come on, I'll cook for you."
Bumangon na ako sa kama at umupo sa dulo niyon habang si Cassius ay tumayo na at kitang-kita ko kung gaano nagulo ang kanyang buhok na abot hanggang balikat.
"Ang haba pala ng buhok mo?" usisa ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at ang inaantok pang mga mata nito ang tumunghay sa akin.
"Hmm? Mas mahaba 'to..." tukoy niya sa kanyang alaga na nakapagitan sa kanyang hita na umuumbok sa suot nitong pantalon dahilan para irapan ko siya.
"Ang aga-aga, Cassius,"
"I'm just kidding, but he misses you a lot."
Bigla akong naubo sa kanyang sinabi at napapailing na tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at saka ako pumasok ng banyo para maghilamos. Sumunod si Cassius sa akin at tumabi siya sa sink para maghilamos rin at bahagyang binasa ang kanyang buhok bago 'yon itali.
Dang, he looks so hot while tying his hair. Mas nag-mature ang itsura ni Cassius sa nakalipas na tatlong taon at dumagdag pa ang peklat sa kanyang mukha.
Nag-toothbrush na rin ako at maging si Cassius ay ganoon din. Mabuti na lang mayroon akong extrang toothbrush lagi na hindi pa nabubuksan.
Nang masiguro naming maayos na ang aming itsura, magkahawak-kamay na lumabas kami ng kwarto ko at saka namin tinahak ang hagdan pababa sa sala hanggang sa makarating kami sa kusina.
Nadatnan namin si Mama na abala sa paghahanda ng agahan habang si Papa ay nakaupo na sa pinaka-sentro ng mesa at sumisimsim ng mainit na kape sa kanyang tasa.
"Pa? Kailan pa ho kayo dumating?" gulat na bungad ko nang makalapit kami ni Cassius sa kanila.
Ibinaba ni Papa sa kanyang tabi ang tasa bago ako nito tinignan. "Kagabi lang 'nak, sabay kaming dumating ni Cassius dito sa bahay. Galing siyang Isabela,"
Nagsalubong ang kilay ko bago ko nilingon si Cassius.
"Galing kang Isabela?" tanong ko sa kanya.
"Uh, yeah. I'm with my Dad, we were just taking some business there."
Tinanguhan ko na lamang si Cassius bago niya ako igiya sa isa sa mga upuan at saka kami magkatabing umupo.
"Kumain ka na Lucine, hindi ka kumain kagabi at ayaw ka na rin naming gisingin kahit na nandito ang asawa mo." ani naman ni Mama bago inilapag sa mesa ang isang bandehadong sinangag na kanin.
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romansa**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...