LUCINE'S POV:
--
KINAUMAGAHAN, hinatid pa ako ni Cassius sa Creighton Enterprises bago ito lumipad papuntang Egypt. Pagdating ko sa executive office, sumalubong sa akin si Rain."Girl, anyare noong isang gabi? Okay ka lang ba?" salubong sa akin ni Rain nang hawakan niya ako sa braso ay hinila papasok sa opisina ng aming Boss at pinaupo ako sa aking silya.
Sumandal si Rain sa gilid ng mesa ko at pinagsalikop ang kanyang braso sa ibabaw ng kanyang tyan habang nakatingin sa akin.
"Malamang nalasing tayong dalawa."
"Luh? Ikaw lang ang lasing. Sa pagkakaalala ko sinundo ka ni Sir Elixir. Naiuwi ka ba niya ng maayos?"
Sumandal ako sa swivel chair at ginalaw-galaw 'yon. "Oo. Nga pala sinong nagbayad 'nong ininom natin?"
"Si Sir Elixir, sabi 'nong bartender. Si Fumiya sana magbabayad bago kami umalis kaso 'nong hihingi na kami ng bill sabi sa amin bayad na raw. In fairness kay Sir kahit sinampal mo ikaw pa rin ang iniisip." nakangising sambit nito dahilan para makagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Hindi ko naman sinasadya 'yon. Akala ko kasi sinundan pa tayo 'nong lalaking balak makisayaw sa akin kaya sa inis ko sinampal ko kaso si Sir naman ang bumulaga sa akin." paliwanag ko kahit na hindi naman na importante 'yon.
"Buti nga hindi ka binugahan ng apoy. Siya, babalik na ako sa cubicle ko."
Tinanguhan ko na lamang si Rain at hinayaang makalabas ito ng executive office. As usual, ako na naman ang mag-isa sa loob ng opisina kaya naman agad kong inasikaso ang mga dapat kong gawin at tawagan ang dapat tawagan dahil pinapa-kansela ni Cassius ang scheduled meeting niya.
Lumipas ang mga oras na naging abala ako sa ginagawa ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina kung saan ako naroon kaya naman iniangat ko ang paningin ko pero ganun na lamang ang gulat ko nang makilala ang taong mapangahas na pumasok sa opisina ko.
"Anong ginagawa mo rito?" usisa ko sa babae na humahangos pa sa galit nang makita ako nitong prenteng nakaupo sa swivel chair ko.
"Ibigay mo sa akin ang journal, Lucine Celestia," aniya. "Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot. Nakiusap na rin kami sa asawa mo at mukhang siya ang dahilan kung bakit hindi kami makapasok sa line mo. Na saan siya?"
"Hindi ko ibibigay sa'yo ang journal, Miriam dahil ipinagkatiwala sa akin ni Lolo ang bagay na 'yon. Wala kayong karapatan sa journal kaya pwede ba umalis ka na lang?"
Hindi ko alam kung paanong nakapasok ang babaeng ito pero sa klase ng tapang nang mukha niya malamang tiklop ang security guards at ang nasa receiving area.
"We're also a Veravesta, Lucine so give me the journal. Wala kang karapatan sa pera ng Veravesta dahil wala naman kayong kwenta!"
Binigyan ko ng malamig na tingin si Miriam at tumayo ako mula sa aking upuan at hinarap siya.
"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ko ibibigay ang journal. Umalis ka na bago pa ako magtawag ng security guards at kaladkarin ka palabas ng opisinang 'to." pagbabanta ko rito pero hindi nabawasan ang tapang sa mukha ni Miriam.
"Matapang ka lang dahil mayaman ang napangasawa mo pero ito ang tatandaan mi Lucine, wala kang karapatan sa pera ng Veravesta at higit sa lahat hindi ka namin kikilalanin bilang Veravesta!"
Mabibigat na hakbang ang ginawa ni Miriam palabas ng opisina at pabagsak pa nitong isinara ang pinto. Napabuga na lang ako ng hangin at nasapo ang aking noo. Wala sa akin ang journal at hindi ko pa nakikita ang laman 'non. Tatanungin ko na lang siguro si Cassius pag-uwi niya galing Egypt.
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romance**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...