LUCINE'S POV:
MAGKAHARAP kami ngayon ni Luke sa mesa na pinareserba niya dito sa loob ng Trev'O Grill. Hindi ito umiimik na siyang ipinagtaka ko gayong siya naman ang gustong makipag-usap sa akin.
Galing ako sa condo ni Sir Elixir at hiniram ko ang kotse niya. Gusto niya sanang ihatid ako pero tumanggi ako dahil nakakahiya naman sa kanya kung gagawin ko siyang driver hindi ba? At saka hindi naman niya ako obligasyon kaya kaysa mag-away kaming dalawa, hiniram ko na lang ang kotse niya.
Marunong naman ako magdrive at isa pa meron akong lisensya. Hindi lang talaga ako kumukuha ng sasakyan dahil ayaw ni Mama.
"N-Nakabuntis ako."
Akala ko sobrang perpekto na ng buhay ko mula nang makilala ko ang lalaking mamahalin ko ng sobra. Akala ko wala ng problema kung sakaling malagay na kami sa tahimik at mamuhay ng payapa bilang mag-asawa.
Pero akala ko lang pala 'yon.
Para akong tanga habang nakatitig sa nakayukong si Luke sa harapan ko. He called me because he wanted to talk to me some important matters.
Akala ko tungkol sa kasal o sa negosyo niya ang pag-uusapan namin.
"Nabingi ba ako dahil sa ingay ng restaurant na ito, o 'yon talaga ang sinabi mo?" Hindi talaga ako makapaniwala sa mga katagang binitawan niya.
Luke raise his head to face me. Para siyang naiiyak na hindi ko maintindihan. Kung pwede nga lang ihampas sa kanya ang mesa na nasa gitna namin, ginawa ko na.
"N-Nakabuntis ako at tama ang narinig mo, Lucine."
Para akong binagsakan ng nuclear bomb. Isang malakas na pagsabog ang naririnig ng tenga ko gayong sinabi lang naman niya na nakabuntis siya.
Like what the fvck?
I clench my fist on my lap as I compose myself not to burst out my anger. Masama akong magalit.
"Nakabuntis ka? Pvtangina, Luke!"
He flinch from his chair when he heard my cuss.
Hindi ako palamura na tao pero tangina talaga!
"Anong kulang sa akin na hindi ko naibigay para magawa mo ang bagay na 'yan? Ang katawan ko ba, kaya ka naghanap ng iba? Tangina! Luke ikakasal na tayo sa susunod na buwan, bakit nakuha mo pang mambuntis ng iba!?"
Nanlilisik ang mga mata ko kay Luke. Kung may laser lang ang mata ko baka bumulagta na siya sa kainuupuan niya.
"W-wala. Walang kulang sa pagmamahal na binibigay mo sa akin. Lalaki lang ako, madaling matukso."
Pagak akong tumawa sa sinabi niya.
"Lalaki ka lang? Gasgas na ang rason na yan Luke! For fvcking sake choose another reason so that I can believe what you are saying!"
"I'm sorry." He said like a whisper through the wind as he bow his head in front of me.
"Mababago ba ng sorry mo ang panloloko mo sa akin, ha?"
He didn't utter a word. Nanatili lang siyang nakayuko.
"Nagawa mong mambabae kahit hindi pa tayo kasal, paano kung kasal na pala tayong dalawa saka mo sinabi sa akin na may ibang taniman ka na palang pinasok? Ang gagu mo Luke!"
"Kaya nga gusto kong tapusin ang relasyon natin dahil ayokong maipit ka sa sitwasyon na ako ang may gawa."
Naihilamos ko ang sarili kong kamay sa mukha ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romance**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...