Stranger 23: Hubby

417 6 0
                                    

LUCINE'S POV:

--
"YES Pa, she's with me. You don't have to worry."

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na boses kaya naman napayakap ako sa unan at kahit inaantok pa ay pinilit kong imulat ang aking mga mata.

Ang malapad na likuran ng isang lalaki na walang suot na pang-itaas ang bumungad sa akin at nagtataka ako kung sino ang lalaking 'to.

"Yeah. I'll tell her that when she woke up."

Nang ibaba nito ang telepono, humarap ito sa akin ang ang gwapo nitong mukha ang bumulaga sa akin at ang magkaibang kulay na mga mata nito ang tumunghay sa akin.

"S-Sino ka?" paos na usisa ko rito dahil kagigising ko lang.

"Is that how you treat your husband everytime you got drunk, Lucine Celestia Creighton?"

Nanglaki ang mga mata ko nang unti-unting makilala ang lalaki sa tabi ko kaya naman marahas akong bumangon mula sa kama na pinagsisihan ko dahil parang naalog ang utak ko.

"Holy sheez--" nasapo ko ang aking noo at pabagsak na nahiga ulit sa kama.

Hang-over?

Lintik, anong nangyari?

Rumagasa ang alaala sa isip ko.

~~
"Hoy, Rain? Lasing ka na ba!?" untag ko sa babae dahil kulang na lang ay lunukin niya ang bote ng beer na inorder namin.

"Ha? Shinong lasheng? Hindyi ako lasheng!" sigaw ni Rain sa akin samantalang si Fumiya ay napapailing na lang sa aming dalawa.

"Let her be, Lucine. She's like that. Don't worry, I'll take care both of you." prenteng sambit ni Fumiya habang hawak nito ang isang bote na inu-unti-unti nitong inom samantalang si Rain ay nakadalawang bote na ng beer ang nauubos.

"Sigurado ka ba, Fumiya? Makulit si Rain." paninigurado ko sa binata.

"Yeah. Don't worry."

Nagkibit-balikat na lang ako at saka inatupag ang inumin ko. Makalipas ang ilang minuto, unti-unti na akong natatamaan ng alak dahil sa likot ng ilaw sa paligid namin. Unti-unti na ring dumadami ang mga tao sa paligid namin lalo na sa dance floor.

May mga naghahalikan pa nga pero wala akong pakialam sa kanila. Sumandal ako sa sandalan ng sofa at sinisinok gayong hindi ko pa naman nauubos ang isang bote ng beer na hawak ko. Si Rain naka-lima na, samantalang si Fumiya ay pangalawa pa lang.

"Malakas ba talagang uminom ang isang ito?" pasigaw na tanong ko kay Fumiya.

"Yes. May balon yan sa tyan kaya malamang siya rin ang makakaubos ng inorder natin."

Napangiwi ako at bumaling kay Rain. Nasa normal pa naman ang itsura niya pero yung salita niya slang na.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Rain at hinawakan ang kamay ko at hinila ako.

"Tara, girl! Sayaw tayo!"

Bago pa ako makapag-reklamo, hinila na ako ni Rain sa gitna ng dance floor at doon siya nagpakawala. Nilingon ko pa si Fumiya pero ang atensyon nito ay nasa amin. Mukhang babantayin niya nga kaming dalawa ni Rain at mabuti na lang mabait ang crush niya.

"Wooh! Dance with me, Lucine. Huwag kang KJ!" sigaw nito sa mukha ko.

Wala akong nagawa kundi ang umindayog sa gitna ng dance floor at tuluyan na akong nalunod sa kalasingan, sa ingat ng tao lalong-lalo na ang tugtog at galaw ng ilaw.

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon