LUCINE'S POV:
--
PAGKARATING ko sa bahay, agad akong pumasok at hinayaan ang kotse sa labas ng bahay namin.Sumalubong sa akin si Mama na may pag-aalala kaya naman nagtaka ako rito.
"Bakit Ma?" usisa ko rito.
Hinawakan ni Mama ang braso ko at saka ako nito iginiya sa sofa at naupo kaming dalawa.
"Galing si Luke dito noong isang araw at kahapon, hinahanap ka niya. Nagkita na ba kayong dalawa?"
"Nagka-usap na po kami. May sinabi ba siya sa inyo?" usisa ko rito.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila ni Papa kapag nalaman nilang hindi na matutuloy ang kasal namin ni Luke lalo na't kalat na rin ang tungkol sa pagbubuntis ni Erika.
"Wala naman. May problema na naman ba kayong dalawa?"
"Wala po Ma." marahang tumango si Mama at saka nito pinakawalan ang braso ko.
"Siya nga pala anak, may nakita na akong reception malapit lang naman 'yon sa simbahan. Gusto mo bang puntahan natin?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi ni Mama.
"A-ayos na po ba lahat?"
"Oo. Confirmation niyo na lang naman ang hinihintay at saka dumating na pala ang wedding dress mo at nasa kwarto mo 'yon."
Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita ko ang saya sa mukha ni Mama. She prepared everything for our wedding pero hindi na matutuloy 'yon.
"Sige po, Ma. Titignan ko na lang po 'yong wedding gown ko at saka magpapahinga na rin po ako."
"Sige anak."
Hinayaan ako ni Mama na makaalis mula sa sala namin at saka ako pumanhik papunta sa kwarto ko. Pagkarating ko sa kwarto ay agad kong binuksan 'yon at nahigit ko ang sarili kong hininga nang bumungad sa akin ang wedding dress na pinagawa pa namin sa LazyGrace.
Marahan kong isinara ang pinto ng kwarto ko at saka ako lumapit sa isang manequin kung saan nakasuot ang wedding gown na gagamitin ko sana. Inilapag ko sa kama ang shoulder bag na dala ko na tanging cellphone at wallet lang naman ang laman.
An enchanted wedding gown with a touch of vintage-inspired elegance that fits in my wildest dream. Miss Sinji added some minor design to look more elegant of my wedding dress.
Tumakas ang isang luha sa mata ko habang dinadama ang damit na nasa harapan ko.
'Ano kaya ang magiging itsura ko kapag naisuot kita? Kaso hindi na matutuloy ang kasal kaya kailangan kitang isauli at bayaran si Luke sa nagastos niya rito.'
Napalingon ako sa kama nang mag-ring ang phone ko kaya naman agad kong pinunasan ang luha sa mata ko bago ako lumapit sa kama at saka kinuha ang shoulder bag para kunin sa loob ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
It was Luke's name on the caller ID.
"Ano pa bang kailangan mo Mercado?" bungad ko rito nang sagutin ko ang tawag.
"Itutuloy pa rin natin ang kasal, Lucine. Hindi ko kaya na wala ka."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito.
"Nahihibang ka na ba? Binuntis mo si Erika tapos magpapakasal ka sa akin? Hindi ako tanga at laruan na pwede mong balikan at paikutin sa palad mo. Sinabi ko na sa'yo na wala kang babalikan sa akin Luke Mercado kaya pwede ba hayaan mo na ako!?"
"No! Itutuloy natin ang kasal sa ayaw at sa gusto mo Lucine Celestia Veravesta! Tumawag sa akin si Tita at ready na lahat from invitations, reception and so as the church. Hahayaan mo na lang na masayang ang effort ni Tita? Maging ang kapamilya mo ay inaasahan ang kasal natin?"
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romance**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...