Stranger 34: Luke

400 8 4
                                    

WARNING :
WARNING :
WARNING :
‼️‼️‼️‼️‼️‼️

This story may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, please exit now. The chapters and pages within are intended for adults only and may include scenes of sexual content, suggestive pictures, or graphic violence.
Reader discretion is advised.

- Luther Aqueros

LUCINE'S POV:

BUMALIK kami ni Cassius sa kanyang condo at doon muling nanirahan habang hindi pa namin nakukuha si L'usine mula sa laboratoryo ni Doc Gun. It's been a week since we saw him and it's been a week since Luke tried to talk to me while I was at my parents house.

Minsan talaga mapapaisip na lang ako kung bakit ayaw akong tigilan ni Luke gayong wala naman na akong pakialam sa kanya dahil tahimik na ang mundo ko kasama si Cassius. Panibagong buhay na haharapin ko na hindi ang isang Luke Mercado ang makakasama ko habambuhay.

Cassius is one of things I never regret in my life. Meeting him as a stranger is one of the experience I encountered. Ang lalaking hinalikan ko sa loob ng bar at sa isang iglap ay isinuko ang aking iniingatan nang walang pag-alinlangan. Kissing a stranger like him is kind of a blessing for me. Hindi ko kasi inaasahan na ang anak ng Boss ko pala ang makakasama ko hanggang sa huli kong hininga.

"Quit staring at me while I am sleeping." Paos na boses na sambit ni Cassius habang nakapikit pa rin ang mga mata kaya naman natawa ako.

"Bakit kahit tulog ka, ang gwapo mo pa rin?" wika ko sa kanya. Nakaunan ako sa kanyang braso habang nakatabing sa aming hubad na katawan ang makapal na kumot dala ng malamig na hangin mula sa aircon dito sa loob ng aming kwarto.

Napag-alaman kong pinasok muli ng isa sa mga pinsan ko ang bahay ni Cassius para hanapin ang journal ngunit bigo sila dahil nga sinunog na nga 'yon ng asawa ko. Nasa pangangalaga na ng HuPoFEL si Gerald; isa sa mga pinsan namin nina Purcia at Miriam na kasalukuyang nasa Iceland. Pugad raw 'yon ng mga taong nahuli nila sa bawat misyon na kanilang ginagawa araw-araw at ang bantay doon ay hindi tao kundi hyena.

Pina-renovate ni Cassius ang buong bahay at hiniling nito kay Senri na triplehin ang security ng buong building lalo na't si Senri ang may-ari at doon ko lang din nalaman na sa Kuruzaki din pala umuuwi ang banda ng BlackHand na pinangungunahan ni Ernaline at Perth Dezrail.

Sa kwento pa lamang ni Sinji at Saviel ay kinikilabutan na ako patungkol sa kaganapan sa Iceland, ang makita pa kaya ng aktuwal ang hyena na 'yon? Huwag na lang.

"It's too early in the morning to make a fuss, wife. Sleep again." utos pa nito sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit.

Ramdam ko ang init ng katawan ni Cassius at ang mabangong amoy nito ang namayani sa aking ilong.

"Gusto kong pumunta sa Creighton, Cas," bulong ko sa kanya.

Namimiss ko na ang mga tao sa kompanya lalong-lalo na si Rain.

"Why do you wanna go there? Hindi naman na kailangang bantayan ang company ni Daddy dahil hindi naman tatakbo-- aww! Hey! Not my sword!" daing nito nang sapuhin ko ang kanyang sandata na nasa pagitan ng kanyang hita na ngayon ay gising na.

Kissing StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon