LUCINE'S POV:
--
NAKAYUKONG sumunod lamang ako kay Cassius nang makalabas kami mula sa conference room. Hindi ko akalain na magagawa namin ang bagay na 'yo sa katirikan ng araw as in hiyang-hiya ako sa sarili ko.Noon, hindi ko magawang magpahawak kay Luke bukod sa kamay at halik sa pisngi pero kay Cassius halos ialay ko na ang katawan ko sa kanya. Wala namang masama doon dahil asawa ko si Cassius, 'yon nga lang wala akong ideya kung paano kaming naikasal.
Nabalik ako sa huwisyo nang bumangga ang mukha ko sa likuran ni Cassius at nang sumilip ako sa kanyang harapan, nakita namin ang mga empleyado ng Creighton Enterprises at mukhang inaabangan nila si Cassius.
"What do you want?" usisa ni Cassius na akala mo hindi niya empleyado ang kausap niya.
Nakita ko pa si Rain na ngiting-ngiti sa akin kaya naman lumapit ako sa pwesto nito at hinayaang dumugin si Cassius ng kanyang empleyado.
"In fairness talaga kay Sir ang pogi niya. Swerte mo girl," bulong sa akin ni Rain nang makalapit ako.
"T-Tigilan mo nga ako."
"Yiieh! Hindi ka ba kinikilig dahil ang batang Creighton ang makikita natin araw-araw? Balita ko siya ang papalit sa Daddy niya pansamantala?" usisa pa nito.
"Siya nga at mukhang mahirap pakisamahan ang anak ni Mr. Creighton."
Umangat ang isang kilay ni Rain sa akin at hinarap ako. "Paano mo nasabing mahirap kung halos gusto ka na niyang itira sa bahay niya nitong nakaraang mga linggo? Don't tell me hindi ka naattract sa kanya at si Mercado pa rin ang mahal mo?"
"H-Hoy, tumigil ka nga! Hindi madali ang sinasabi mo lalo na't galing ako sa failed relationship. Malay ko ba na siraulo si Luke at nagawa niya akong lokohin? Isa pa, hindi ko kailangang maghanap ng lalaki para punan ang iniwang puwang ni Luke, okay?" Kahit na ang totoo ay asawa ko si Cassius. Pero ayokong aminin kay Rain dahil nahihiya ako.
"Sabagay, may point ka nga naman. Anyway, maiwan na kita at babalik na ako sa cubicle ko."
Wala akong nagawa kundi ang hayaan si Rain at saka ko ibinaling ang atensyon ko kay Cassius. Nagulat pa ako dahil nakatingin ito sa akin kaya naman nakangiwing lumapit ako sa gawi nila.
"Sir, we should go back to your office and fix your schedule for the time being."
Umangat ng konti ang labi ni Cassius bago nito binalingan ang kanyang empleyado na pinagkakaguluhan siya.
"You heard my secretary. Go back to your work."
Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko dahil sa pinapakitang ugali ni Cassius. Parang bumalik sa alaala ko kung paano kaming nagkakilalang dalawa sa loob ng kanyang condo. Ganun siya ka-sungit at mukhang na sample'an pa ang mga empleyado niya.
Naunang maglakad si Cassius pabalik sa opisina ng Daddy niya kaya naman sumunod ako rito. Nadaanan namin ang mesa ni Rain kaya kumaway lang ako rito at nang makapasok kami sa opisina ni Cassius, agad kong kinuha ang planner na nasa mesa ko at deri-deritsong pumasok sa executive office.
"Uhm, Sir, what should I do to your schedule for today? Should I cancel your lunch meeting with Mr. Chavez or should I re-scheduled it?"
Naramdaman ko na lang ang mainit na braso ni Cassius na pumulupot sa aking bewang at doon ko lang napagtanto na nakayakap siya sa akin mula sa likuran.
"H-Hoy, ano ba!? Nasa opisina tayo."
Aalisin ko sana ang pagkakayakap ni Cassius pero humigpit lang ang braso nito sa bewang ko at isinubsob ang kanyang mukha sa aking balikat.
BINABASA MO ANG
Kissing Stranger
Romantik**[BLOODFIST SERIES 8]** Lucine Celestia Veravesta swayed gently on her barstool, the warm, intoxicating haze of alcohol wrapping around her like a thick fog. The dim ambiance of the bar blurred her senses, but a flicker of curiosity ignited within...