CHAPTER 2: Encounters in Introduction

37 3 0
                                    

"Just follow me," usal ng babae na nasa unahan namin na patuloy parin sa paglalakad.

"She seems nice," kusa naman akong napatingin kay eze nang sabihin niya 'yon.

"Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong gubat. Devotion ko kanina." inilipat ko naman ang tingin ko kay ruth na ang direksyon ng mata ay nasa unahan.

"Yeah..." sagot na lamang ni eze.

Tiningnan ko ang babae na nasa unahan namin, biglang umihip ang hangin kaya inilipad ang buhok nito patungong kanan, kusang napadako ang tingin ko sa maliit na tatu na nasa kaliwang liig niya.

'was that...'

"An Illuminati sign," rinig kong mahinang wika ni eze na napapagitnaan namin ni ruth. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa babae na nasa kaliwa ko, nakatitig lang din ito doon sa tatu ng babae. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa babae na nasa unahan, napansin siguro nito na nakatingin kami doon kaya muli nitong ibinalik ang buhok niya sa kaliwang bahagi upang matakpan ang tatu nito na hugis triangle na may mata sa gitna.

Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad, dumako ang tingin ko sa mga estudyante na nakakalat sa field, halos lahat ng mga tingin nito ay nasa amin. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila na may iba't ibang nais ipahiwatig, ang iba'y malungkot, ang iba naman ay umiiling-iling, at ang iba'y nakangisi nang nakakaloko.

"Don't mind them," muli ko nalang ibinalik ang tingin ko sa unahan kung nasaan naroon ang babae na nangunguna sa amin sa paglalakad.

"Nice, may mga bago O. Magaganda pre!" Kusa kaming napatingin sa direksyon kung nasaan nanggaling ang boses na 'yon, ngunit kaagad din naming tinanggal ang paningin sa kanila nang makita na ang kasama nitong babae at lalaki ay naghahalikan.

Ano nga ba ang nakakapagtaka sa paaralang ito? Hindi pa nga malala ang nakita namin.

"Sigurado ako na ang isa sa kanila ay kukuhain ni matthew." Muli kong ibinalik ang tingin sa kanila nang marinig 'yon, sa tingin ko ang nagsalita ay ang lalaki na may kahalikan, inilipat ko ang tingin ko sa babae na katabi nito na nakatingin din sa'kin, sandali nga lang ay nakita ko itong ngumiti. Muli kong inalis ang tingin sa kanila nang muling inilapit ng mga ito ang mukha sa isa't isa.

'Matthew?'

"Welcome!" nakangiting wika ng babae nang makarating kami sa isang malaking building, kasabay nito ay ang pagbukas niya ng dalawang malaking pintuan. Bumungad sa amin ang napakalaki at malawak na silid. Nakakunot noo kong pinagmasdan ang paligid at sandali nga lang ay nalungkot, at may halong inis na namutawi sa puso ko.

Ang kulay ng silid na nasa harapan namin ngayon ay halos lahat dark, ang kulay ng kurtinang narito ay kulay pula, at ang pader naman ay itim. Ni sa tingin ko'y hindi ako makakatagal sa ganitong silid kung ganito lamang ang bubungad sa paningin ko. Inilipat ko naman ang tingin ko sa may bintana sa kaliwa kung saan ito lamang ang pinanggagalingan ng liwanang sa silid na ito at ang mga ilaw na nasa taas ng kisame.

'Ano pa nga ba ang nakakagulat?'

Sa aming harapan ay may hagdanan pababa at kung diretso kang baba doon ay mararating mo ang parang maliit na entablado sa pinaka-unahan at doon ay may nakalagay na whiteboard at table. Sa tingin ko ay doon tumatayo ang mga professors kapag nagtuturo.

'Probably, steph.'

Naibaling ko naman ang tingin ko sa mga estudyanteng naririto sa loob na halos ang lahat ng atensyon ay nasa amin. Bumaba kami at humanap ng magandang puwesto, umupo kami sa pangalawang row sa may kanan. Napansin ko naman ang babae na kasama namin na humiwalay ito, doon siya sa may kaliwang bahagi umupo, ngunit nasa pangalawang row din ito, napapagitnaan kami ng hagdan na daanan. Nasa gitna naman namin ni ruth si eze, at sa kanan ni eze ay si ruth, at sa kanang upuan naman ni ruth ay walang nakaupo, apat apat ang upuan kada row. sa may bandang kanan ni ruth ay may hagdanan din na daraanan, at may ibang upuan pa doon. Ganoon din doon sa kaliwang bahagi ng babae ay may hagdanan din na daraanan.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now