CHAPTER 13: The Battle Ahead

22 3 0
                                    

"Okay ka lang ba, eve?" napatingin naman ako kay Eze na nakatingin kay Eve, nginitian naman siya nito at saka tumango.

"How about you, steph?" inilipat naman ni Eze ang tingin niya sa'kin.

"Yeah.. I guess?" usal ko habang nakatingin sa kawalan. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay wala na ulit nagsalita pa.

Andito na kami ngayon sa dorm, nasa taas kami habang ang mga lalaki ay nasa ibaba. Ni hindi pa nga kami nakakapagbihis.

"I want to worship," wika ni ruth at saka bumuntong hininga

"Me too," rinig naming wika ni John mula sa ibaba.

"Maaari naman tayong mag-worship, sa tingin ko naman ay soundproof itong silid natin." usal ni Eze habang nililibot ang paningin. Nakita naman namin si John na tumungo sa pintuan at saka ni-lock ito.

"Diyan nalang kayo sa itaas, mahirap bumaba sa hagdan lalo na't ganyan pa rin ang mga suot niyo," wika ni John na nakaharap sa'min.

"Way maker," usal ko. "'Yan nalang kantahin natin," dugtong ko pa. Tumango-tango naman sila bilang pagsang-ayon. Pinatay naman ni John ang ilaw at saka bumalik na sa kama nila. Umayos ako ng upo, at saka niyakap ang mga tuhod ko.

"You are here, moving in our midst
I worship You
I worship You," pagsisimula palang namin ng kanta ay nagbabadya na
ang mga luha ko sa pag-tulo.

"You are here, working in this place
I worship You
I worship You," mga ilang minuto lang ay naramdaman ko na parang may nakayakap sa'kin.

"You are here, moving in our midst
I worship You
I worship You
You are here, working in this place
I worship You
I worship You," ang mga lalaki naman sa ibaba ang nagsikanta.

"You are
Way maker, miracle worker, promise keeper
Light in the darkness, my God
That is who You are," Sabay-sabay naming kanta.

Tumingala ako habang nakapikit at saka itinaas ang kanang kamay. Hinawakan ko ang dibdib ko at saka hinayaang umagos ang mga luha sa mata ko.

"You are
Way maker, miracle worker, promise keeper
Light in the darkness, my God
That is who You are,"

~~~

"Paano tayo makakagalaw nito nang maayos kung ganito kaikli ang suot nating palda?" usal ni eze habang nakatingin sa malaking salamin. Andito kami ngayong apat sa cr. "Ang hirap gumalaw nito, so uncomfy," nakabusangot pang dagdag nito.

"'Wag ka nalang gumalaw eze, para 'di ka mahirapan," usal ko dito habang sinusuot ang mahabang black na medyas. Ramdam ko naman na masamang nakatitig ito sa'kin. Tumingin ako dito at natawa nang tama nga ang hinala ko.

"May mga jacket ba kayo?" tanong ko sa kanila at kinuha ang puti kong sapatos.

"Mayroon akong isa sa bag," usal ni ruth

"Same here," usal naman ni eve.

"That's great, itali natin sa baywang natin. Para 'di tumaas 'tong palda natin kapag humangin," wika ko sa mga ito at saka umayos na ng tayo matapos kong suotin ang sapatos ko.

"But.. I don't have one," napatingin naman kami kay eze.

"Baka mayroon sa mga lalaking kasama natin, hiram ka nalang muna," pag-suggest ko rito.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now