Chapter 18: Bonds and Barriers

15 3 0
                                    

RUTH'S POV

Andito ako ngayon sa likod ng dorm namin, nakaupo habang nakasandal sa malaking puno na nandito. Panay ang buntong hininga ko dahil sa sinabi ni isaac at eve kahapon.

'Nasaan ka ba naroon, eze? At ano ang gagawin nila sa'yo, john?'

Bumuntong hininga uli ako at isinandal ang ulo sa malaking puno at pumikit. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin, gusto ko sanang mag-worship pero mayroong guard na nakabantay sa'min, kailangan ko rin mag-ingat.

"Hi!" Kaagad naman akong napadilat nang may magsalita malapit sa akin.

"Bakit ka ba bilang sumusulpot?" usal ko dito at umayos ng upo.

"Nagulat ba kita?"

"Hindi ba halata?" may pagka-sarcastic na usal ko rito.

"Bakit ang sungit mo?"

Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nag-abala pang sumagot. Isinandal ko ulit ang ulo ko sa puno at saka tumingin sa langit, hapon na, panibagong araw na naman bukas. Habang sumasapit ang panibagong araw, hindi ko rin maiwasang mag-alala sa mga kasama ko, maaari kasing may mawala na naman sa amin. But knowing that God is in control, nakakaramdam pa rin ako ng kapayapaan.

"Here," ibinaling ko naman ang tingin ko kay mark boaz, napadako ang tingin ko sa iniaabot nito sa akin.

"How?" usal ko saka dali-daling kinuha ang ID ko na hawak niya. High school ID ko ito noon.

'Bakit ko ba kasi dinala ito dito?'

"Nakita kong nahulog mo," wika nito at saka tumingala sa langit. Tiningnan ko naman ang ID ko at napailing-iling na lang. Inilagay ko na lang ito sa bulsa ng suot kong pantalon.

"So, your full name is Ruth Hannah Morgan?" napatingin naman ako sa kanya nang sabihin niya 'yon at kaagad din namang umiwas ng tingin.

"Yeah.." kaagad kong ibinalik ang tingin ko sa kanya nang maaalala ang ginawa niya nong first day namin sa paaralang ito.

"By the way, noong first day of school, remember, noong kumanta ka?"

"Oh? maganda ba boses ko?" usal nito na nagpangiwi sa'kin. Natawa naman ito sa naging reaction ko. "Oo, natutulog talaga ako that time." tumango-tango naman ako sa sinabi nito.

"Hindi mo ba pinagsisihan na pumasok ka sa paaralang ito?" seryosong tanong ko sa kanya, narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

"No," tipid na sagot niya at saka tumingin sa'kin nang may seryosong mukha. Inialis ko na lang ang tingin dito. "Why are you here, anyway?"

"Nais ko lang magpahangin," pagsagot ko sa tanong nito.

Sandali lang ay naghari ang katahimikan sa'ming dalawa. Mga ilang minuto pa ay tumayo na ako at inayos ang suot ko.

"Una na ako sa iyo," ani ko at saka siya nginitian, tumalikod na ako dito at nag-umpisa nang maglakad.

"Hannah," kaagad naman akong natigilan nang tawagin niya ako sa pangalang iyon. Dahan-dahan akong lumingon dito, "FAITHing!" nakangiting wika nito habang nakataas ang kanang kamay na nakakumo. Agad naman akong napangiti sa sinabi nito, tinanguan ko na lang siya at muling itinuloy ang paglalakad.

"Oh? smiling, ah?" usal ni isaac nang makarating ako sa pintuan ng dorm namin.

"Buti at nandito ka na," wika ni steph at saka tumayo.

"Why?" tanong ko saka umupo sa upuan malapit kay eve.

"Dinner," ang tipid talaga ng babae na ito magsalita

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now