MATTHEW'S POV
"Balita ko pinakuha daw ni Mr. Baal si holz," napatingin naman kaming lahat kay Randy na may dalang kape, kakapasok lang nito sa pintuan. Andito kami ngayon sa tambayan namin, sa likod ng building nina Madam Lucein. Nagtaka naman ako sa sinabi nito.
"Ah? ano naman ang gagawin nila don?" wika ni Jacob habang masayang nakikipagkulitan kay Naomi.
"Pinalagay don sa library," usal ni Randy at uminom ng kape, tumingin ito kay Alyson na nakatingin kay Dennis na nagbabasa ng libro. "Balita ko rin may ginawang laro ang daddy mo, Princess," dagdag pa nito. Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya.
'Laro? Ano naman ang binabalak mo, Mr. Baal?'
"Okay," wika ni Alyson na walang interest na tumingin kay Randy, sandali lang ay muli nitong ibinalik ang tingin kay Dennis na seryoso nang nakatingin kay Randy. Nakita ko naman ang pag-shrug ni Randy sa mga ito.
"Anong laro?" Usal ni Jacob na huminto na sa pakikipagkulitan kay Naomi.
"May pinapahanap si Mr. Baal na red envelope," - randy
"Saan pinapahanap?" - jacob
"Sa loob ng library," - randy
"What?! e, hindi ba andoon si holz?" nagtatakang tanong pa ni Jacob, "May naglaro ba?"
"Yeah, mga bago," agad akong napatayo, napatingin naman ako kay Dennis, Naomi at Jacob na nakatayo na rin. "Oh? don't tell me makiki— Problema ng lalaking iyon? Tsk!" usal ni Randy nang biglang tumakbo palabas si Dennis.
"Of course, he heard the word 'new.' He's going to save that girl, if ever she joins. Tch! I hate him!" naiiritang wika ni Alyson at bumusangot.
"I already told you, Princess, kung ako na lang sana yung nagustuhan mo, hind—Aist! Isa pa ang babae na'yon," naiiling na wika ni Randy habang nakatingin sa nakatalikod na Alyson na parang batang naglalakad.
"Sino-sino ang mga sumali?" Tanong ni Naomi na lumabas na rin ng pintuan.
"Isa lang naman ang manlalaro," wika ni Randy at tumingin sa akin. Agad na akong lumabas ng pintuan dahil may kutob na ako kung sino ang sumali.
"What?! Gosh, that girl!" rinig ko pang wika ni Naomi. Sandali lang ay nakita ko na silang dalawa ni Jacob na tumatakbo sa harapan ko.
"HOY! BAKIT NINYO AKO INIWAN DITO? KAKARATING KO LANG, E. MGA TAONG 'TO!" - randy
"Tsk! He's not here," rinig kong wika ni Dennis nang makarating ako sa harap ng building kung saan sila tumutuloy.
"Why do you care anyway? You like that girl, don't you?" - alyson
"Huwag kayong lalabas," napatingin naman kami kay Ms. Samra na kakarating lang. Nagmamadali itong pumasok sa loob ng building.
"Why?" takang tanong ko kahit may hinala na ako sa sasabihin nito. Agad naman itong huminto at tumingin sa akin.
"Nakatakas si holz," usal nito at nagmamadali ulit na naglakad.
'Sinasabi ko na nga ba.'
"Jacob, go tell this to Jeff right now. Faster!" usal ko at mabilis na tumakbo palabas ng gate.
'Nanglalapa ng tao ang malaking asong iyon, si Jeff lang ang makakapagpa-amo doon.'
YOU ARE READING
HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)
EspiritualThe story highlights three students named Stephanie, Ruth, and Ezekiel, who decide to attend a university where they know what's happening inside. The university is called Heaven University, but the things happening inside are hellish because it's g...