Chapter 17: Faith and Fear

15 2 0
                                    

- FLASHBACK -

"Sino ba yung S2? Ano pangalan niya?" tanong ko. Sana hindi tama ang hinala ko. Yumuko ako at ipinikit ang mga mata ko. Hinanda ko ang sarili ko sa pangalang babanggitin ni naomi.

"Matthew, Matthew Lawrence,"

Hinawakan ko nang mahigpit ang ballpen na hawak ko nang marinig ko ang pangalang iyon.

'Ano pa bang mayroon sa'yo, Matthew? Anong klaseng tao ka? Member ka ng S6 pero hindi 'yun sapat para katakutan ka ng mga estudyante rito, maliban na lang kung may ginawa ka para katakutan nila. Ano ang ibig sabihin ni Jacob nang sabihin niya na panigurado isa sa'min ay kukuhain mo? When you invited me back then sa church niyo, palagi kitang ipinagdadasal na sana gumamit ang Diyos ng tao para maidala ka sa katotohanan, na sana kung ipapahintulot man ng Diyos na magkita tayo uli, isa ka ng Kristyano. Totoong Kristyano. Napabilang ka sa kultong grupo, nagkaroon ako ng burden sa puso ko na ipagdasal ang buhay mo nang magkita tayo noon, pero ang sakit namang isipin na halos gabi-gabi kitang ipinagdadasal tapos parang walang nangyari. Bakit parang lumala? No, Steph! Maaari ngang ito ang kasagutan ng Diyos sa mga panalangin ko, na baka kami o baka ako ang magiging instrumento para malaman mo kung Sino nga ba ang Katotohanan, kung Sino ang Daan, at kung Sino ang totoong Buhay.'

"Steph..." Kaagad naman akong napatingala at tumingin sa mukha ni naomi na nagtataka. Biglang humangin kaya inilipad nito ang buhok niya pakanan na nakalagay sa left side kung saan naroon ang naka-embroidered na red star sa blouse nito, mayroong number 4 na naka-embroidered din sa loob ng star.

Napansin niya namang nakatingin ako doon kaya kaagad niyang ibinalik ang buhok niya sa kaliwang bahagi ng balikat nito para matakpan 'yun. Matagal ko nang alam na member siya ng S6 including jacob. Hindi ko lang alam kung alam na rin ng ibang mga kasama ko iyun.

'Win her.'

Kaagad namang pumasok sa isipan ko ang dalawang salitang iyun. Hindi ito ang kauna-unahang narinig ko ang tinig na ito, narinig ko na rin ito noon sa cafeteria.

[ "Hala! yung nawawala mong mother-in-law Ruth," natatawang wika ni John habang nakatingin kay Ruth. Natawa naman yung iba. Napatingin ulit ako kay Naomi, bigla itong napatingin sa akin kaya nginitian ko na lang ito at muling ibinalik ang tingin sa pagkain ko.

'Win her.'

Napahinto naman ako sa pagsubo nang marinig ito sa isipan ko.

'Her?'

Muli kong ibinalik ang tingin kay Naomi na seryosong kumakain. ]

Tiningnan ko ang paligid, kaming dalawa lang ang andito sa field. Tumingin ako kay naomi na nakatingin din sa'kin.

'Ama, kayo na po ang bahala. Lead me once again.'

"Ahm, naomi?"

"Yes?"

"C-can I share something?" usal ko at saka luminga-linga sa paligid.

"Yes, of course!" masayang wika nito na nagpakunot ng noo ko.

"You know that I'm a christian, right?" wika ko na tinanguan niya naman.

"Nais kong ipaki--"

"Nais kong makilala ang Diyos niyo!" tuloy-tuloy na wika nito na nagpatigil sa'kin. Sinuri ko nang mabuti ang mukha niya, nakangiti lang itong nakatingin sa'kin na animo'y naghihintay sa mga susunod kong sasabihin.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now