CHAPTER 11: Radiant Laughter

14 3 0
                                    

"Ang gaganda naman ng mga anak ng Diyos," nakangiting wika ni John sa amin.

"When we think of how You made us
It's amazing, We reflect Your beauty," mahinang kanta ni eze sapat lang para marinig namin.

Nalaman ko na ang sinabi sa mga ito kahapon nang kuhain sila, kapag nakita o narinig daw kami na nanalangin, binabanggit o may ginagawa na patungkol sa Diyos ay may isa sa'min ang kukuhain, o isa sa mga estudyante. Kaya kailangan naming mag-ingat sa aming mga galaw at sa isang pagkakamali lamang ay may buhay na mawawala.

'I know they're blackmailing us; however, I also know that they can do what they've said, especially since they have a different god.'

"Kailangan nating mag-ingat sa mga salitang gagamitin natin, guys. Sa mga gagawin natin, remember the consequences." pagpapaalala sa'min ni ruth.

"What now? paano natin maipapakilala ang Panginoong Jesus ngayon?" nakakunot noong wika ni John.

"Pagtitiis sa mga suliraning kakaharapin natin, simpleng pagtulong sa mga nangangailangan, at pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa atin. If we can do it all, masasagot ang kanilang tanong kung sino nga ba si Jesus. We can introduce God even if we didn't mention His name, we can introduce Him through our simple good works." agad naman akong napangiti nang marinig ang mga sinabi ni ruth. Nangungusap ang Diyos sa'min sa pamamagitan ng godly woman na ito.

'Buti nalang you're with us, Ruth. Praise God for your life.'

"Thank you for your wonderful and encouraging words, ruth," nakangiting wika ni john.

"Nah! give thanks to God, 'wag sa akin," natatawang wika nito.

"Just did!" nakangiting sagot naman ni John.

"By the way, guys. Ms. samra told us na lalakad daw tayo sa red carpet," wika ni Isaac habang inaayos nito ang buhok niya.

"Oh, and then?" napatingin naman ako kay eze na nakasuot ng simpleng gown, peach ang kulay nito kaya mas lalong tumingkad ang kaputian niya. Hinawakan nito ang laylayan ng gown niya at saka maingat na umakyat sa hagdanan ng kama namin.

"Eze, be careful!" wika ni eve na nakaupo malapit sa mesa, katabi nito si ruth. Nakasandal naman ako malapit sa pintuan. Napatingin naman ako kay eze na pababa na ngayon, nakita kong naka-heels pa ito kaya lumakad ako palapit sa kanya para maalalayan siya pababa.

"I will, kinuha ko lang yung bracelet ko, ito, O. WAHH--"

"EZEEE!" -ruth and eve

Tatakbo na rin sana ako palapit dito pero agad din akong napatigil nang makitang buhat-buhat na siya ni John. Napahinga naman ako nang maluwag at patalikod na lumakad pabalik sa puwesto ko kanina.

"Bakit may sumigaw?" wika ni mark na kakalabas lang ng cr. Napatitig naman ako sa lalaking sumunod na lumabas sa kanya, pero kaagad ko ding ibinalik uli ang atensyon kay Eze na buhat pa rin ni John.

"Ano ba naman yan, eze?!" nag-aalalang wika ni Ruth na nakatayo na ngayon ganoon din si Eve. Napatingin naman sina Mark at Gabriel Timothy sa kinaroroonan ni Eze.

"You can put her down now," napatingin naman kaming lahat kay Isaac, pumunta ito sa natapon na bracelet ni Eze at saka pinulot.

"So careless, brett," wika ni John habang dahan-dahang ibinaba si Eze.

"Sorry and thank you," wika ni eze na bakas sa mukha nito na nahihiya.

"Here," napatingin naman ito kay Isaac na iniaabot ang bracelet niya.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now