CHAPTER 14: The Star 6

4 2 0
                                    

- 2 Months Later -

Lumipas ang dalawang buwan na ingat na ingat kami sa galaw at mga salitang ginagamit namin. Sa dalawang buwan ay mas lalo naming nakilala ang isa't isa at mas lalong napalapit ang loob namin. Madalas din naming makasama si naomi at jacob. Sinabihan namin si isaac na i-share uli ang Gospel kay jacob, and I think the power of it is shown in his life.

Madalas kasama ni jacob ang mga boys, pero mas close silang dalawa ni isaac. Si gabriel timothy naman is ayun, kahit papano ay nakikisama na rin siya sa mga kalokohan nina isaac, pero minsan talaga ay ang tahimik nito.

"Oh, where's eze?" napatingala naman ako sa nakatayong isaac, kakarating lang nito kasama si mark.

"Si eze lang napansin mong wala ah," umiiling-iling na wika ni mark saka umupo. Andito kami ngayon sa field. Hapon na kaya magandang tumambay dito.

Tapos na rin naman ang klase, oo, nagkaklase din rito. Nalaman ko din na ang mga gurong narito ay hindi members ng anti-Christ. Sapilitan silang kinuha at pinagtrabaho dito.

"HI GUYS!" agad naman kaming napalingon sa babae na sumigaw, tumatakbo ito palapit sa kinaroroonan namin.

"Ang ingay talaga ng babae na'to," usal ni jacob nang tuluyan silang makalapit sa amin.

"Hmm, bakit parang kulang?" tumingala ako kay naomi na nakakunot ang noo. Nakangiti kong hinila ang kanang kamay nito paupo. Napatingin naman ako kay jacob na hinuhubad ang suot na jacket niya, inilagay niya ito sa lap ni naomi pagkatapos, naka-uniform pa kasi ito, ganoon din kami.

Iba ang suot na uniform ni naomi ganoon din ang kay jacob, ang kulay ng uniform nila ay katulad ng kay marvin, yung lalaking humawak sa kamay ko nang mahigpit. Parehas din nila ng uniform si matthew, sa ngayon hindi ko pa alam kung bakit naiiba ang uniform nila sa amin, pero may hinala na ako, kailangan ko na lang ito ikumpirma.

"Si eze at eve, pumunta lang ng cafeteria, kumuha ng puwede naming makain." nakangiting wika ko.

Masaya kasama sina naomi at jacob, pansin ko rin ang pagbabago sa kanilang mga kilos. Hindi na sila naghahalikan in public. Naramdaman ko naman na maraming nakatitig sa amin ngayon. Sanay na rin naman kami.

"Ang tagal ng dalawa," usal ni ruth na nakasandal sa likod ko.

"Ladies, kita na lang tayo mamaya sa dorm natin, and naomi hiramin lang namin sandali boyfriend mo, ah?" natatawang wika ni Isaac.

"Sige, kahit huwag niyo nang ibalik," nagtawanan naman kami nang marinig iyon kay naomi.

"Babalik ako rito mamaya, may ibang babae na kasama," mas lalo kaming nagtawanan nang binato ni naomi si jacob ng sapatos nito.

"Kuhain mo 'yun, lalaki!" utos ni naomi kay jacob habang nakaturo ang daliri sa tinapong sapatos.

"Sino ba nagtapon?" usal ni jacob saka tumayo na, ganoon din ang iba pang mga lalaki.

"Kukuhain mo o kukuhain mo?!"

"Ito na! ito na,"

"HAHAHAHA!" tawa namin habang nakabusangot na pinupulot ni jacob ang sapatos ni naomi.

"Sige, una na muna kami," natatawang usal ni john. Tinanguan naman namin sila.

"Hahaha ang sweet niyo ni lalaki mo," natatawang wika ko. Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Sweet? madalas nga kaming magtalo non," natatawa habang umiiling na wika nito. Naramdaman ko namang umalis sa likod ko si ruth, at sandali lang ay nakaharap na ito sa amin. Nakita ko ang seryosong mukha nito, mukhang alam ko na kung ano ang mga susunod na sasabihin niya.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now