CHAPTER 12: The Celebration

14 3 0
                                    

"Good evening everyone! And now let us all welcome the eighth unlucky new students of Hell University." napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Timothy nang marinig ang malakas na palakpakan ng mga estudyante. Nakapila na kami ngayon at hinihintay na tawagin ang mga pangalan namin para pumunta sa harap ng stage. Kinuha ni Ms. Samra kanina ang mga names namin at saka ang magiging kapartner namin. Ramdam ko naman ang lakas ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako.

"Okay, let's welcome the first two unlucky students, John Egner, along with his partner Eve Grace Etherige." malademonyong wika ni Mr. Baal, nakangiti ito pero nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin kina Eve at John na naglalakad. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang dalawa na nasa itaas ng stage kalapit si Mr. Baal. Parang anytime kasi ay may mangyayari. Huminga ako nang malalim habang nakahawak sa dibdib ko.

"God, protect us," mahinang wika ko saka nagpakawala uli ng buntong hininga.

"Don't mind him," napatingin naman ako kay Timothy na nakangiti sa akin. Ngumiti nalang din ako dito.

"Yeah," sagot ko pero rinig ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Next! Mark Boaz Darmani with his partner Ezekiel Brett Stanford," lumakad naman sina Eze at Mark. Tiningnan ko ang mukha ni Mr. Baal na mas lalong nanlisik ang mga mata na nakatitig kay Mark.

"Psalm 56:3, When I am afraid, I put my trust in You." nakayukong wika ko habang nakapikit.

"Let us all welcome, malas Isaac Dixon with his partner Ruth Morgan!" nakita ko naman ang pagkumo ng kanang kamao ni isaac. Nakangiti nang nakakaloko si Mr. Baal pero 'di nagbabago ang nanlilisik na mga mata nito habang nakatingin sa umaakyat na sina ruth at isaac, medyo mataas taas din ang stage. Inilipat naman ni Mr. Baal ang tingin sa'min.

'God, I know that You're here in this place. Wala po akong dapat ikatakot.' Wika ko sa isipan ko bago inilibot ang paningin. Karamihan ng tingin ng mga estudyante ay nasa amin.

"The last two unlucky students but not the least, let us all welcome David Cetas together with his partner Stephanie F-faith Perez," gustuhin ko mang matawa dahil hindi halos mabanggit nang maayos ni Mr. Baal ang faith ko na pangalan, ngunit hindi ko magawa. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nasa taas ng stage habang nakangiti sa'kin. Lumiko kami sa kaliwa para umakyat sa stage, nakita ko naman si Matthew na madadaanan namin, nasa pinakaharap sila na upuan, kasama nito si Naomi na nakangiti sa akin, ganon din si Jacob. Kasama din nila yung lalaking humawak sa braso ko nang mahigpit kanina. Hindi kaya kabilang sila doon sa star 6? walang welcome na naganap sa mga star 6 kasi hindi raw kumpleto.

'I wonder if they are included. Bakit sila nakaupo sa pinakaunahan kung hindi, 'di ba? Aist!'

Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Sandali lang ay nakita ko na ang sarili ko na nakatayo sa harap ng maraming tao.

"So, once again ladies and gentlemen, let us all welcome the eight new unlucky students of our school! Please rise and let's give them a round of applause." Nakita ko namang nagsitayuan at nagsipalakpakan ang mga estudyante maliban lang sa mga taong nakaupo sa pinakaunahan.

Lumapit si Mr. Baal kay Eve, kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. May kung ano itong ibinigay sa kaniya, sunod ay lumapit ito kay John at katulad din kay Eve may ibinigay din ito sa kanya, ganoon din sa iba ko pang kasama. Nang makarating ito sa harap ko ay ibinuka ko na ang aking palad para makuha ang ibinibigay niya, may puwersa niya sana itong ilalagay sa kamay ko nang inilahad ni Timothy ang palad niya sa taas ng kamay ko. Pagkatapos makuha ni timothy ang ibinigay ni Mr. Baal ay agad niya din itong iniabot sa'kin. Tiningnan ko naman 'yon, ito ata ang logo ng paaralan nila.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now