CHAPTER 7: Unsettling Revelations

21 5 0
                                    

"Wala naman sigurong lason yung pagkain nila dito, diba?" pagtatanong ni John habang ang tingin ay sa pagkain na nasa harapan niya. Narito kami ngayon sa cafeteria at hindi pa kami nakakapag-lunch.

"Walang lason iyan," napatingin naman kami sa lalaking nagsalita, at sa babae na kasama nito.

'Jacob and Naomi,'

"Can we sit, here?" wika ni Naomi, napatingin naman ako sa mga pagkaing dala nito. Tumingin ako sa mga kasama ko at nakita silang tumango.

Jacob - Mark - David - Isaac - John

TABLE

Naomi - Me - Ruth - Eze -Eve

"Feel free to eat, it has no poison. If so, edi matagal na sana kaming namatay lahat rito," usal uli ni Naomi nang makaupo ito, nag-umpisa na rin itong kumain.

"Mag-pra--" bigla namang lumaki ang mata ko nang takpan ni Ruth ang bibig ko.

"Sa isip nalang tayo mag-pray," mahinang bulong nito sa'kin at saka inalis ang kanang kamay niya sa bibig ko. Dahil sa ginawa nito ay mas lalo lang dumami ang katanungan sa isipan ko. "And don't close your eyes, mahahalata nila na you're praying," dugtong pa ni Ruth kaya hindi ko maiwasang maikunot ang noo ko sa mga sinasabi nito. Unti-unti namang bumigat ang pakiramdam ng puso ko kasi bakit kailangan akong pigilan nito sa pananalangin.

'I'm not used to it, Ruth. I want to pray before I eat these foods.'

"Just do what I said, trust me, us, okay..?" nangungusap na usal pa nito at saka inilagay ang kaliwang kamay niya sa balikat ko. "You can pray even silently, He can hear the voice of your heart..." dagdag pa nito na nagpagaan naman ng puso ko, tinanguan ko nalang ito at saka huminga nang malalim. Muli nitong tinanggal ang kaliwang kamay niya sa balikat ko at nakita ko itong nag-umpisa nang kumain. Hinawakan ko naman ang kutsara at ginalaw-galaw 'yon.

'Lord... I don't know what's happening, but I'm gonna trust you with all of these. Lord God, just want to give thanks for these blessings in front of us. Bless these foods, and be glorified as we eat and drink, In Jesus' Name, Amen.'

After I prayed in my mind ay nagsimula na rin akong kumain, itinuon ko lang ang tingin ko sa pagkain ko at tahimik lang na nakikinig sa mga pinag-uusapan nila.

"What's your name again?" Rinig kong tanong ni Isaac. Hindi ko alam kung kaninong pangalan yung tinatanong niya, pero sigurado akong si Naomi or Jacob ang kinakausap nito.

"Jacob, Jacob Dixon,"

*COUGH*

Kaagad naman akong napatingin kay Isaac nang mabulunan ito, binigyan naman siya ni Eze ng isang basong tubig.

"D-Dixon?" Hindi halos makapaniwalang usal nito.

'Oo nga pala, they have the same surnames, are they related?'

"Yeah. Magka-apelyido lang tayo kaya 'wag kang masyadong magulat," natatawang wika ni Jacob at saka sumubo ng pagkain niya.

"Sino papa mo? Ano pangalan ng lolo mo? Baka mamaya magkamag-anak pa pala tayo, o baka ikaw yung nawawalang kapatid ko?" Wika pa ni Isaac, nagsimula nalang ulit akong kumain at nakinig sa mga pag-uusap nila.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now