Chapter 26: The Color of Unity

4 3 0
                                    

"Ito na yung mga kurtina, guys!" napatingin naman kami sa itaas, sa may pintuan nang marinig ang pasigaw na wika ni Eve, kasama nito si Ruth na may dala ring kurtina. Napatingin naman ako sa hawak nilang mga kurtina, ang ganda ng kulay, lilac.

"Wow! Gusto ko yung kulay," Masaya kong wika nang tuluyan silang makalapit sa'min. Masaya kong hinawakan ang kurtina at pinagmasdan ang designs nito.

"Ay, kulay lang," ani ni Ruth

"Hahaha, syempre yung designs din,"

Ang designs ng kurtina ay may mga maliliit na iba't ibang kulay ng flowers, medyo transparent ang tela ng kurtina, pero napakaganda talaga nito at hindi masakit sa mata ang kulay ng lilac.

"So, anong kulay ng pintura naman ang gagamitin natin para dyan sa wall?" si Mark

"White hehe," nakangiting wika ni Isaac.

'Hmm, pwede din naman. Maganda ang combination ng lilac at white.'

"White is not a color, duh!" napalingon naman kami sa nagsalita, si alyson kasama nito ang iba pang members ng S6. Tuloy-tuloy silang bumaba at naupo sa pinakaunahang upuan.

"Bakit nandito ang mga 'yan?" pabulong na wika ni Isaac. Nag-shrug naman ako.

"Baka tutulong din sa pag-redecorate ng room na ito," mahinang sagot ko na tinawanan naman nila.

"E kung pink na lang?" napatingin naman kami kay Mark at nagtawanan.

"Seryoso ka ba, bro?" si Isaac na hindi mapigilang matawa sa sinuggest na kulay ni Mark.

"Patawa ka?" si Ruth na hindi maipinta ang mukha, kaya hindi ko mapigilang matawa sa mga ito.

'Kapag nakita ni Mr. Baal na pink na pink ang silid na ito, baka sumabog 'yun sa galit.'

"Oh, bakit? Maganda naman ang kulay na pink, ah? Bagay din naman sa lilac. Yung light pink lang kasi ang ibig kong sabihin, not too bright." Pagpapaliwanag naman ni Mark.

'Well, he has a point, though, pero if pink sa gantong kalaking silid, hmm.'

"Too girly," Usal naman ni Tim. "Better to ask the suggestions of others, too."

"Others? you mean them," Turo ko sa mga estudyante na tinanguan naman nito.

"Yeah, majority wins," - isaac

"Go, ask them na," - eve

"Go, Tim. Besides ikaw naman nakaisip, hehe," wika ko nang nakatingin kay timothy.

"Nah, Nag-suggest lang ako. Kayo bahala."

"Ay," nasabi ko na lang

"Go na kasi Steph, kaya mo 'yan," nakangiting wika ni Eve at tinuro ang mga estudyante gamit ang mata nito.

"Yeah. Go, Steph. Nasa likod mo lang kami," usal naman ni Isaac.

"Go na Steph," ani naman ni Ruth at nginitian ako.

"Majority wins," nakangiting wika ni Tim. Pinanglakihan ko ito ng mata at iniling-ilingan, natawa naman ito sa ginawa ko.

'Nakakahiya e, ang dami-dami nila. Tapos andito pa ang ibang members ng star 6, aist!"

"Nakakahiya," mahinang usal ko.

"Ano ka ba? Tingnan mo nga, oh. Nakatingin sa'tin ang ibang students, baka mamaya may mga suggestions ang mga 'yan at naghihintay lang na tanungin natin sila, sayang naman." mahabang usal ni Ruth, napabusangot naman ako.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now