CHAPTER 1: I Believe

91 5 2
                                    

"Steph, nagpaalam ka ba sa mama mo?" tanong sa'kin ni eze habang inaayos nito ang mga gamit niya sa bag.

Andito ako ngayon nakaupo sa sofa nila at hinihintay namin si ruth na dumating. Unang araw namin sa bagong unibersidad na papasukan namin at kami ay mga first year college students. Alam kong kakaiba ang mga mangyayari sa paaralang ito. Natitiyak ko din na dito masusubok ang aming mga pananampalataya.

"Sa tingin mo nakabihis ako ngayon kung hindi?" mapang-asar na sagot ko kaya tumingin ito sa'kin, natawa naman ako sa naging expression ng mukha nito.

"Ma, kailan ka kaya titigil sa pag-iyak? kagabi ka pa panay iyak e," naagaw naman ang atensyon namin nina ruth at ang mama nito na kasunod niya lang pumasok.

"Kailangan niyo ba talagang gawin ito?" humahangos na usal ni tita rita.

"Ma, alam mo naman ang sitwasyon doon, diba?" mahinahong sagot ni ruth na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.

"Ayon na nga e, hindi ko alam kung kailan tayo makikita uli, wala akong kasiguraduhan." Usal ni tita rita habang pinupunasan ang mga luha nito sa kanyang pisngi at malungkot at nag-aalalang tumingin kay ruth.

"Ma, halika dito, upo ka," wika ni ruth at pinaupo si tita rita sa tabi niya. "Ma, do you trust God?" Mahinahong tanong ni ruth dito.

Ang mama ni ruth at eze ay malapit sa isa't isa, maliban lang sa mama ko. Pinayagan niya akong pumasok sa paaralang iyon ngunit hindi niya alam ang mga nangyayari sa loob niyon. Pero sa tingin ko'y makakabuti nadin na ilihim na lang muna ito sa kaniya, panigurado ako na kapag nalaman niya ay hindi ako nito papayagan, hindi niya mauunawaan ang dahilan ko, ang dahilan namin. Isa pa siyang hindi mananampalataya ngunit umaasa ako na balang araw ay makasama ko itong sumamba, magpuri, at maglingkod sa Diyos.

'I'm gonna miss you, ma.'

*SIGH*

"You okay?" Napatingala naman ako kay eze na nakahawak ang kaliwang kamay sa balikat ko. Nginitian ko na lang ito bilang sagot.

Naibaling ko naman ang tingin ko sa mama at papa nito na lumapit sa amin, bakas sa mga mukha nito ang pag-aalaa. Nauunawaan ko naman sila at tunay nga na delikado ang desisyon na gagawin namin. Ngunit kung makakapasok man kami sa unibersidad na iyon mamaya, kalooban nga iyon ng Diyos.

'If it is Your will, God, I know we have nothing to worry about. For I know that in Your will alone, we're safe, even if the situation seems so hard, risky, and dangerous. No wonder Your Word says 'live by Faith and not by Sight.' Immanuel: I believe You are with us, Lord.'

"Ma, alam mo naman na kailangan kami doon hindi ba? kailangan naming ipakilala ang Panginoong Jesus doon. We have Christ, ma, the Omnipotent God is with us, and alam kong alam mo na hindi Niya kami pababayaan. Kami'y mga anak ng Diyos at ang aming Ama ay Siyang lumikha ng buong daigdig sa pamamagitan lamang ng Kaniyang Salita. He's all-powerful, all-knowing, and all-present God, ma. And if He is for us, then no one can stand against us. I believe in God's power, ma, we'll see each other again, in His perfect time. Hayaan niyo po muna akong magpagamit sa Diyos sa lugar na 'yon kasama sina steph at eze. Ma, kahit wala pa kami sa totoong laban, naniniwala ako na ito ay panalo na, naniniwala ako na nasa atin na ang tagumpay."

"Amen." 'di mapigilang usal ko nang marinig ang mga sinabi ni ruth.

Bigla namang lumitaw sa isipan ko ang naging devotion ko kanina sa Jeremiah 1:19. Napangiti na lamang ako.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now