Chapter 16: The Missing and the Taken

6 2 0
                                    

Kaagad akong napamulat ng mata nang bigla kong maalala si eze. Umupo ako at iginala ang paningin sa paligid.

'Umaga na pala.'

"A-andito naba si eze?" Muli kong inilibot ang paningin ko nang walang sumagot. Ngayon ko lang din napansin na wala na sa higaan si ruth at eve.

Dali-dali naman akong bumaba, wala rin ang mga lalaki sa higaan nila. Tumungo ako sa pintuan at nakita silang anim sa field kasama si mathhew at dalawang kasama nito na lalaki na mga nakaitim na nakahawak kay john.

'Saan nila dadalhin si john?'

Hindi na ako nag-abala pang sumuot ng tsinelas, kaagad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. Habang tumatakbo ako ay napansin ko ang maraming estudyante na nakatingin sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko, ganoon din sa'kin.

"S-steph," gulat na wika ni ruth, kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Halos nakapantulog pa kaming lahat, maliban lang kay matthew at sa dalawang kasama nito. Napatingin naman ako kay john na nakayuko.

"B-bakit hawak ng mga kasama mo si john?" gusto kong umiyak sa mga nakikita ko ngayon, bigla ko namang naalala ang ginawa ko kahapon.

'Hindi kaya...'

"R-reason, what's the reason? o si-sino?" Nauutal na tanong ko kahit alam ko na ang dahilan, ibinalik ko uli ang tingin ko kay john.

'I'm sorry...'

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kusa nang nagsitulo ang mga luha sa mata ko kaya yumuko na lamang ako.

"You," lumuluha akong tumingin sa walang emosyong mukha ni matthew, umiwas ito ng tingin sa'kin at nag-umpisa nang maglakad ganoon din ang dalawang lalaki na kasama pa nito na nakahawak kay john. Kaagad namang nagsigalawan ang mga kasama naming lalaki at pinigilan sila.

Lumapit na rin si ruth at eve sa'kin na ngayon ay umiiyak na rin. Tumakbo ako palapit kay matthew at lumuluhang lumuhod sa harapan nito. Inabot ko ng kanang kamay ko ang kamay niya at tumingala dito.

"Ma-matthew, I mean S2. A-ako na lang ku-kuhain mo, please!" umiiyak na usal ko hahang nakatingala pa rin sa kanya, 'di ko na halos makita nang malinaw ang mukha nito dahil sa mga luha ko na sunod-sunod sa pagtulo.

"S-steph," kumawala naman si john sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang lalaki at saka patakbong lumapit sa'kin, pinatayo ako nito pero umiiling-iling lang ako habang umiiyak.

"A-ako na lang, handa akong pagbayaran ang ginawa ko kahapon. Please, please S2," humahagulhol na saad ko habang nakayuko at nakaluhod pa rin sa paanan niya.

"Steph..." lumapit naman sa'kin si ruth na umiiyak. "T-tumayo ka na, please..." usal nito saka hinihila ang kamay ko pataas. Umalalay din sa'kin si john.

"S-steph, please don't blame yourself for this, okay? hanga ako sa katapangang ipinakita mo, ni'yong tatlo na magkakaibigan, hanga ako sa inyong lahat," nakangiting wika ni john saka tumingin kina isaac, mark, timothy, eve at ruth. "Kayo na ang bahalang magpaliwanag kay brett, masaya ako na nakilala ko kayong lahat,"

Napatakip na lang ako ng bibig ko nang makitang hinawakan uli si john ng mga kasama ni matthew at hinila palayo sa'min.

"Let him go, ano ba?!" naiinis na wika ni isaac habang nakahawak kay john. Lumapit din sa kanya si mark at tinulungan siya nito sa pagtatanggal sa mga kamay ng dalawang lalaki na nakahawak kay john.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now