CHAPTER 10: Courage and Uncertainty

17 3 0
                                    

Tumungo ako sa pintuan at lumabas, hindi ko naman maiwasang magulat nang makita si manong guard na natutulog, rinig pa ang paghilik nito. Muli akong pumasok sa loob at kinuha ang maliit na kumot ko at inilagay ito sa kanya. Napatitig ako sa mukha nito na animo'y pagod na pagod.

"Haist," nausal ko na lamang. Tumingin ako sa building na nasa harapan ng kinaroroonan ko, ang building na pinasukan namin kanina, nasa gitna naman ang napakalawak na field, at sa kaliwa naman ay sa tingin ko'y doon nanatili ang mga kilalang tao rito, at sa kanan naman ay ang mga dormitories. Hiniwalay nila ang room namin siguro ay dahil alam na ng mga ito na kristyano kami.

"Where are you right now, David? Gabriel Timothy pala," mahinang wika ko habang tuloy-tuloy sa paglalakad. Palinga-linga ako ngunit hindi ko ito makita.

"Saan ka ba naroo---AHHH--"

"You okay?" Napatingin naman ako sa mukha ng lalaki na nasa itaas ko habang nakahawak ang kanang kamay nito sa baywang ko.

"G-gabriel timothy.." usal ko nang makita ang mukha nito habang nakatihaya ako.

Kaagad akong napaayos ng tayo, ganoon din ang ginawa niya.

"Ang laki-laki ng mata, e," usal nito habang tinatanggal ang malaking bato na ang kalahati ay nakabaon sa lupa, ito ang naging dahilan nang pagkatisod ko, buti na lamang ay nasalo ako nito. Pagkatapos niya itong matanggal ay itinapon niya ito sa gilid.

"Why are you looking for me?" baling nito sa'kin na diretsong nakatingin sa mga mata ko, umiwas ako ng tingin dito at masyadong malalim ang mga titig niya.

"Sandali lang," wika ko at patakbong bumalik sa loob at nag-templa ng kape, nainit ko na rin naman na ang tubig sa heater bago pa ako lumabas kanina. Pagkatapos kong mag-templa ay kaagad din akong lumabas. Nakita ko naman si Gabriel Timothy na nakaupo sa damuhan. Lumakad ako palapit doon habang dala-dala ang dalawang tasa na may lamang kape.

"Here," napatingin naman ito sa'kin at sa tasa na iniaabot ko sa kanya.

"Thanks,"

Umupo ako sa tabi nito at saka hinipan-hipan ang hawak kong kape. Tahimik lang kaming nakaupo habang iniinom ang mga kape namin.

"Gosh! that lady, 'di man lang ako inisip," kusa akong napatingin sa kanya nang basagin nito ang katahimikan. Nakita ko itong mapait na ngumiti habang nakatingin sa kape na hawak niya.

"She's also a coffee lover," ibinalik ko ang tingin sa unahan at hinayaan lang itong magsalita. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko dito. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin ito sa'kin kaya tumingin din ako sa kanya. Sandali itong nanahimik habang nakatingin pa rin sa'kin, inalis ko nalang uli ang tingin dito at saka uminom ng kape na hawak ko.

"Stay away from that guy," muntik naman akong nabilaukan nang muli itong magsalita, tumingin ako dito na nakatingin pa rin sa'kin, ang seryoso ng mukha nito, na bakas din sa mga mata ang galit.

"G-guy?" nauutal na tanong ko dito, kaagad naman na pumasok sa isipan ko si matthew.

"That Matthew," seryosong wika nito bago tumayo na. Hinawakan ko naman ang laylayan ng damit nito, napatingin ito doon kaya agad ko itong binitawan.

"Why?" tanong ko sa kanya habang nakatingala.

"Just stay away from him," sagot nito bago nag-umpisa nang maglakad papunta sa loob ng dorm namin. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong makapasok doon, umayos ako ng upo at tumingala sa langit, napabuntong hininga nalang ako at saka huminga ng malalim. Muli akong humigop ng kape na hawak ko.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now