CHAPTER 8: Unveiling the Truth

27 3 0
                                    

Bigla akong nagising at dali-daling napaupo. Napatingin naman ako sa paligid ko.

"Akala ko panaginip lang..." mahinang usal ko, napadako naman ang tingin ko sa relo na suot ko.

'7:07 PM''

"O, gising ka na pala," napatingin naman ako kay Eze na nagpupunas ng basang buhok niya.

"Andito na ba si David?" Tanong ko dito, napatigil naman ito sa ginagawa niya.

"Yeah, kasama niya sina Ruth, kumuha ng pagkain pang-dinner natin," sagot nito. "Bumaba ka na diyan at magpalit na. O kung gusto mong maligo, ayan ang pantulog mo," kinuha ko naman ang damit pantulog malapit sa akin at dahan-dahang bumaba sa kama.

Double deck ang hinihigaan namin, malapad naman ito kaya kasya kaming apat na babae sa itaas, ang mga lalaki naman sa ibaba. Hindi ko nga din inaasahan na sa iisang room kaming lahat.

"Thank you," wika ko kay John na umalalay sa akin pababa. Tumungo ako sa CR pero hindi pa ako nakakapasok ay kaagad din akong napahinto, lumapit ako kay Eze at hinila ito papasok sa CR.

"What?" tanong nito.

"You know," wika ko sa kanya. Natawa naman ito.

"Sige, sandali kunin ko," lumabas ito at kaagad ding bumalik ulit, may dala na itong bag at ibinigay sa akin.

"Buti nakakuha ka kanina," usal ko habang ang tingin ay sa loob ng bag na may lamang undies at mga pads.

"Of course, kayo e," usal nito at saka ako inikutan ng mata, pero kalaunan ay tumawa din. "Sige na, maligo ka na," usal pa nito na tinanguan ko naman.

"Salamat," usal ko at pumasok na sa isang cubicle.

Pagkatapos kong maligo ay kaagad ko ring nilabhan ang mga suot kong damit kanina at dito na rin sa CR isinampay. Mabuti na lang at iba ang CR ng mga lalaki.

"Wala pa rin ba sila?" tanong ko sa dalawa nang makalabas ako ng CR.

"Wala pa e," - John

"Sandali, tingnan ko," usal naman ni Eze at tumakbo papuntang pintuan, "Ommo!" kaagad naman akong napatingin sa mukha ni Eze na gulat na gulat at nakahawak pa sa kanyang dibdib. Napakunot naman ako ng noo at lumapit dito, ganoon din si John. Napatingin naman ako sa tinitingnan nito, isang lalaki na may edad na at kumakamot sa ulo, nakaitim din ito.

"Ikaw talaga, Manong Guard, ginugulat mo ako," - Eze

"O, bakit andyan kayo sa may pintuan?" napatingin naman kami kay Ruth nang magsalita ito, ibinaling ko din ang tingin ko sa mga kasama nito, may mga dala silang pagkain.

"Wala, tara na sa loob," wika ni Eze at muli nang bumalik sa loob. Napatingin naman ako kay David na nakatingin sa guard.

'Hmm, okay na kaya siya?'

"May dala akong kape, sino may gusto?" - Mark

"Ay, hindi ako magpapahuli diyan," nakangiting wika ni Eze.

Andito kami sa sahig nakaupo. Nakapalibot kami habang ang mga pagkain ay nasa gitna. Mayroon mesa dito ngunit maliit lang at kulang din ang upuan. Maganda din naman ang puwesto namin ngayon.

"Me too," nakangiting wika din ni Eve.

"Me three," - John

"Syempre ako din," usal naman ni Ruth.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now