Kinaumagahan
"Ms. Samra!" pasigaw na wika ko nang makita siyang naglalakad sa field, kaagad naman itong huminto at lumingon sa akin. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Why are you not wearing your uniform?" ani nito nang tuluyan akong makalapit sa kanya, kasama ko din yung lima. "Kayo din, bakit hindi niyo suot ang mga uniporme niyo?" seryosong usal nito at isa-isang tiningnan ang mga kaibigan ko. Pansin ko naman na napapatingin sa'min ang mga estudyanteng naglalakad.
"Ahm, Miss Samra, can I ask a favor? Actually, hindi pa po tapos 'yung pagpipintura namin sa dark room, light room na pala ngayon," nakangiti kong wika, kumunot naman ang noo nito.
"What do you want me to do? What do you need?"
"Gusto ko lang po sanang humiram ng mga painting materials," sagot ko dito.
"At ano naman ang binabalak mong gawin?" napalingon naman kami sa pinanggalingan ng boses na iyon, boses ni Mr. Baal and as usual may kasama na naman itong mga gwardya.
"Kailangan ko ng mga painting materials," usal ko nang tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan namin.
"At saan mo naman binabalak ito gamitin?"
"Hindi pa PO kasi tapos 'yung pag-redecorate sa light room, balak ko sana lagyan ng mga designs iyun," ani ko
"Tsk! ibigay mo sa kanya ang lahat ng kailangan niya. Tutal sinira na rin naman nila ang kulay ng silid na iyun, hayaan mong mas lalo pa nila iyung sirain! Tch!" wika ni Mr. Baal at padabog na tumalikod sa'min, pero wala pang ilang segundo ay tumingin ulit ito sa'min, nakakatakot na tingin. "As soon as possible ayaw ko nang makita ang mga pagmumukha niyo dito. Kaya as soon as possible rin ay kailangan niyo na ditong mawala, one by one. Maari rin namang pagsabayin." Hindi ko maiwasang kabahan sa mga salitang binitiwan nito, lalo na 'yung mga panghuli niyang sinabi, nakangisi siya habang inuusal iyun na para bang may nais pa siyang ipahiwatig. Hindi maiwasang pumasok sa isipan ko ang ginawa ni Eve at Isaac.
'No!'
"Steph.." napabalik naman ako sa huwisyo nang may humawak sa balikat ko, pilit ko namang nginitian si Ruth. "You okay?" tumingin muna ako sa naglalakad na Mr. Baal at humarap sa kanya, tinanguan ko ito. Muli ko namang ibinalik ang atensyon kay Ms. Samra.
"Maari po ba na ngayon niyo na ibigay ang mga hinihingi ko?"
"Hintayin niyo doon sa dark room,"
"Light room na po," ngiting wika ni Isaac. Tiningnan lang siya ni Ms. Samra at saka kami tinalikuran at itinuloy ang paglalakad na naudlot.
"Sa tingin niyo, may pag-asa pa ba silang magbago? I mean, na maglingkod sa Diyos," mahinang tanong ni Isaac nang mag-umpisa kaming maglakad patungong light room.'We didn't wear uniforms 'cuz we're going to paint.'
"Habang may buhay, may pag-asa na mabago ang isang tao, bro," seryosong sagot ni Mark.
"Mmm," pagsang-ayon ni Eve.
"Yes, for me rin. Before kasi, may mga na-encounter kaming mga nagwo-worship na kay Satan through metal music daw ata 'yun? Pero nabago ang buhay nila. Ang powerful ng testimony nila, patunay na wala talagang imposible sa Diyos. Kahit anong klase ng tao ka pa, kapag nakilala mo ang Diyos at na-encounter ang presensya Niya, imposible na hindi ka mababago, imposible na walang magbago sa'yo," nakangiti kong wika. Umakbay naman sa akin si Ruth.
YOU ARE READING
HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)
SpiritualeThe story highlights three students named Stephanie, Ruth, and Ezekiel, who decide to attend a university where they know what's happening inside. The university is called Heaven University, but the things happening inside are hellish because it's g...