RUTH'S POV
Panay ang palakad-lakad at tingin ko sa relo ni Boaz kasi hindi ko maiwasang mag-alala sa kaibigan ko. Nasobrahan naman kasi sa katapangan ang babae na iyon.
'Bakit nga ba ako nag-aalala e alam ko namang hindi siya pababayaan ng Diyos?'
Bigla akong huminto at nagpakawala ng malalim na hininga. Kahit papano ay nakaramdam ako ng kapayapaan.
"You okay now--"
"Open this door now!" Hindi naman naituloy ni Boaz ang sasabihin niya nang biglang sumigaw si Stephanie mula sa loob at kumalampag ang pintuan.
'Si Steph.'
Bigla namang dumaloy ulit ang kaba sa puso ko. Kaagad na umakyat ang mga kaibigan naming lalaki sa hagdan pero naiwan na sa baba si Timothy kasi halos hindi na sila magkasya sa itaas.
"Aray ko!"
"Outch!"
Sabay na wika ni Isaac at Boaz nang bumagsak sila sa lupa nang itulak sila ni Mr. Baal mula sa itaas. Dali-dali naman akong lumapit sa kanila.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Boaz. Pansin ko namang nagulat ito pero kaagad ding tumango at ngumiti. "Isaac, you okay?" baling ko kay Isaac habang inaalalayan si Boaz sa pagtayo. Dahan-dahan ko itong hinila papuntang gilid sa kanan, sumunod naman si Isaac na paika-ikang naglakad. Inilibot ko naman ang paningin para sana hanapin si Eve. Marami pang mga estudyante kaya hindi ko siya makita doon sa likod.
"Open that door!" naibalik ko naman ang tingin ko sa unahan nang marinig ang boses ni Timothy na nasa taas na rin ng hagdan. Muntik pa sana itong mahulog nang akma siyang itulak ni Mr. Baal ngunit nahawakan niya ang braso nito.
"Open that door, will you!" May bahid na inis na wika ko at pumunta doon sa gilid malapit kay Mr. Baal. Hindi ko na rin talagang maiwasang mag-alala, nakita ko namang sumunod sa akin sina Isaac at Boaz.
"I told you open that door!" pahinang-pahina na usal ni Timothy nang biglang bumukas ang pintuan. Sandali pa silang natigilan.
"WATCH OUT!" nagulat naman ako nang sumigaw na naman si Stephanie. Bigla akong napatakip ng bibig nang may biglang tumalon na malaking aso sa harapan ko. Kanya-kanya namang takbuhan ang mga estudyante, may mga pumasok rin sa loob ng library.
"Ms.!" sigaw ng isang estudyante. Napatingin naman ako kay Eve na nakatalikod, unti-unti itong humarap at tumingin sa library, nakita ko ang pagngiti nito pero kaagad din iyung naglaho nang mapatingin siya sa aso na nasa harapan niya.
"EVEEE--Outch!" rinig kong sigaw ni Steph mula sa loob, mukhang bumagsak ito sa sahig. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang atensyon ko. Nakita ko namang biglang sumarado ang pintuan ng library. Napatingin ulit ako sa aso, biglang tumakbo si Eve kaya hinabol siya nito.
'What the!'
Napahawak na lang ako sa ulo ko kasi hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.
'Focus, ruth.'
"Timothy, ikaw na bahala kay Steph, sundan lang namin si Eve," mabilis na wika ko. Hindi ko na ito hinintay na makasagot, agad na akong tumakbo.
"Hannah, sandali!" rinig kong pasigaw na wika ni Boaz, hindi ko ito pinakinggan at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo, ngunit pansin kong tumatakbo na rin ito palapit sa'kin. Nang makarating kami sa field ay nakita ko pa ring hinahabol si Eve ng aso.

YOU ARE READING
HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)
SpiritualThe story highlights three students named Stephanie, Ruth, and Ezekiel, who decide to attend a university where they know what's happening inside. The university is called Heaven University, but the things happening inside are hellish because it's g...