CHAPTER 5: Mysterious Encounters

25 3 0
                                    

"What is your name?" tanong sa akin ng isang babae na sa tingin ko ay mga 41 na taon gulang.

"Ikaw po, anong pangalan mo?" nakangiting wika ko dito. Hindi ko alam kung bakit, pero ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Nako hija, huwag mo na akong kausapin at baka pagalitan na naman tayo ng boss ko. Sagutin mo na lamang ang mga tanong ko nang matapos na ta--"

"Emely!" napadako naman ang atensyon namin sa kakapasok lang na lalaki. Mataba ito at base sa kanyang mukha ay magkasing-edad lamang sila ng babae na kausap ko. Bakas sa mukha nito ang pagkairita habang lumalakad patungo sa'min.

"Nakikipagsatsatan ka na naman! Ang daldal mo talaga," malakas na hinila nito ang babae palayo sa mesa kaya naman ay muntik na itong ma-out of balance, mabuti na lamang ay naroon si David para alalayan ito, kung wala ay baka bumagsak na ito sa sahig.

Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaki na ngayon ay nakaupo na, kinuha nito ang ballpen at papel sa mesa at tiningnan ito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil para itong walang nagawang mali kung umakto.

*SIGH*

'Patience and self-control, steph,' nakapikit na usal ko sa isipan ko.

"Ayos lang po ba kayo?" muli kong ibinaling ang tingin ko kay David, nakahawak ito sa braso ng babae.

"Okay lang ako, hijo. Salamat,"

"What's your name?" muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko, nakatingin pa rin ito sa papel na hawak niya.

"Crowned Victorious," sagot ko. Sinulat niya naman ito pero kaagad ding napatigil.

"Is that your name?" nakakunot noo niyang tanong.

"No, the meaning of my name," wika ko. Tumingin ito sa'kin nang masama at muling ibinalik ang tingin sa papel at naiinis na binura ang isinulat niya doon.

"Then tell me, what's your name?" pag-uulit niya ng tanong habang ang tingin ay nasa papel.

"To trust," sagot ko, bigla naman nitong hinampas ang kanang kamay niya sa mesa na nagdulot ng ingay sa silid. Naiinis na tumingin ito sa'kin kaya diretso din akong tumingin sa mga mata nito.

"I am not asking for the meaning of your name, I am asking your rea--"

"Stephanie Faith, Stephanie Faith Perez," pagputol ko sa sasabihin nito. Inalis niya ang tingin sa akin at naiinis na isinulat ang pangalan ko sa papel, kulang na lamang ay mapunit ang papel sa diin nitong magsulat.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na mahinang naghahagikhikan, maliban kay David na seryosong nakatingin sa'kin.

"Next!" muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking nasa unahan ko nang pasigaw itong nagsalita. Umalis naman ako sa harapan nito at lumapit sa mga kaibigan ko, sumunod namang pumunta sa harapan niya si ruth.

Andito kami ngayon sa silid ng mga guro upang magawan kami ng ID. Pinagmasdan ko ang mga iilang guro na narito na may kanya kanyang ginagawa.

"I like your name, I mean the meaning of your name," napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ang Eve na nakangiting nakatingin sa'kin.

"I like your name too, and also the meaning of it," nakangiting usal ko din dito.

"You know?"

"Hahaha yes."

"Then tell me what is it," wika nito na parang nanghahamon.

"Eve means 'to live' or 'to breathe,'" natatawang sagot ko dito.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now