Chapter 15: The Star 6 (Part 2)

5 2 0
                                    

EVE'S POV

"Eve, wait, I wanna pee" agad akong napahinto at tumingin kay eze. Natawa naman ako sa expression ng mukha nito.

"Okay, go find a cr. Hintayin na lang kita sa loob ng cafeteria," nakangiting usal ko dito. Tumango-tango naman siya at saka palakad na tumakbo. Itinuloy ko na ulit ang paglalakad, ang cafeteria dito sa school ay nasa likod ng building na pinapasukan naming mga estudyante.

Agad namang napakunot ang noo ko nang makita ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng cafeteria.

"Excuse me, why are all of you here outside?" tanong ko sa isang babae "Anong meron?" dagdag ko pa, pero nakatitig lang ito sa'kin. Lumakad na lang ako patungo sa pintuan, mukhang wala din naman atang sasagot ng tanong ko.

"What? papasok ba talaga siya?"

"I wonder what will happen after niyang pumasok?"

"Bago siya, diba?"

Binalewala ko na lang ang mga bulong-bulongan ng mga nasa paligid ko. Pagpasok ko sa loob ay wala akong nakitang tao maliban lang sa mga nagbabantay sa counter at sa isang lalaki na nagbabasa ng libro habang may kung anong iniinom sa tasa.

'I think coffee?'

"Ahem, excuse me? Why are you not letting them come in?" mahinahong usal ko sa lalaki nang makarating ako sa harapan ng table na kinauupuan niya. Agad naman itong napatayo nang makita ako.

"Oh, hi! Ahh, those students," parang nagmamadaling usal nito at saka tumingin sa mga estudyanteng nakasilip sa bintana ng cafeteria. "I didn't know either. Hindi ko naman sila pinagsabihan na bawal silang pumasok, so that means they are insisting. Okay na rin naman para 'di maingay," nakangiting wika nito.

'Hmm, did I meet him before?'

"Go, and order your foods na," nakangiting dagdag pa nito saka bumalik na sa pagkakaupo. Napatingin naman ako sa suot na uniform nito, parehas sila ni jacob.

"Btw, what is your na--"

"HEYY!" hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko nang biglang umalingawngaw ang matinis na sigaw ng isang babae sa loob ng cafeteria. Iginala ko ang paningin ko at pansin ko na pati mga tao na nasa counter ay nakatingin sa sumigaw na babae, nakita ko rin ang pagbulungan ng mga estudyante sa labas.

"Tsk!" rinig kong wika nong lalaki, nakita kong tumayo na uli ito at saka inayos ang mga gamit niya. Lumingon naman ako doon sa babae na sumigaw. Masama itong nakatingin sa'kin pero bigla ding nagbago ang expression ng mukha nito nang tumingin ako sa kanya.

"Why are you here? Can't you see S1 is here? You should get out now!" usal nito nang makalapit sa'kin at saka itinuro ang pintuan palabas ng cafeteria.

'What? S1? this man?'

Tiningnan ko naman ang lalaki na nakatayo na nakatingin din sa'kin, tiningnan ko ang suot na uniform nito, napadako ang atensyon ko sa left side ng polo niya, may naka-embroidered doon na red star at sa loob nito ay ang number 1.

'So, siya nga ang sinasabing S1 ng mga estudyante nong celebration.'

"Stop that, alyson. Aalis na rin naman ako," ibinalik ko naman ang tingin ko doon sa babae na sumigaw.

'How about this girl? is she also a member of S6?'

Kaparehas niya ng uniform si naomi. Tiningan ko din ang left side ng blouse nito at may nakalagay din doon na star at may number din sa loob.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now