CHAPTER 9: A Gift and A Revelation

19 3 0
                                    


"3:07 AM," mahinang usal ko nang magising ako, nang pakiramdam ko'y hindi na ako makakatulog uli ay umupo na lamang ako, isinandal ko ang ulo ko sa pader at muling inalala ang mga sinabi ni David kagabi,

"David? He's Gabriel Timothy, steph," mahinang pakikipag-usap ko sa sarili. Bigla namang nag-flash sa mind ko ang video na napanood namin,

"She's your ate pala..."

-FLASHBACK-


"Stephanie, pumunta ka sa inuupahang bahay ni tita mo bukas, may lalakaran daw siya. Walang magbabantay sa anak niya." napatingin naman ako kay mama nang sabihin niya 'yon, kakauwi ko lang galing paaralan. Hinubad ko ang sapatos ko at inilagay ito sa lagayan, tumungo naman ako palapit dito para magmano,

"Sige na, umakyat ka na sa itaas at magpalit," wika nito pagkatapos kong mag-lamano sa kanya.

"Sige po," wika ko nalang dito.

Kinaumagahan ay sumakay ako ng jeep para pumunta sa inuupahang bahay ng kapatid ni mama.

"Tita?" pagtawag ko sa pintuan nang makarating ako sa sinabing bahay ni mama. Sabado ngayon at wala kaming pasok.

"O steph, pasok," wika nito mula sa loob. Pumasok naman ako at nakita sa sala ang anak niya na may kung anong ginagawa. 

She's Heaven, I've already met her before, and we're somewhat close.

"Kamusta tita?" nakangiting tanong ko dito bago lumapit sa kanya para magmano.

"Ito, okay pa naman, nakakain kana?" tanong nito sa akin. "Heaven, your ate faith is here," pag-tawag niya ng atensyon sa kanyang anak.

"Sige lang, tita. Busog pa naman ako,"

"Ikaw ang bahala, may pagkain naman diyan, kumain ka lang kung gusto mo." nakangiting wika nito. "Pabantayan muna si heaven, ah? aalis lang muna ako sandali," dugtong pa nito.

"Sige po, tita." nakangiting wika ko dito. Lumapit naman siya kay Heaven at saka hinalikan ito.

"Dito ka muna kay ate faith mo, ah?" tumingin naman sa akin si Heaven at saka tumango. "Take care, mom." wika nito na ang atensyon ay sa ginagawa niya.

"Sige. Mauna na ako, steph,"

"Sige po, Ingat!" wika ko dito habang kumakaway. Bumalik naman ako kay Heaven na busy pa rin sa inaayos niya. Umupo ako sa tabi nito at tiningnan lang ang ginagawa niya. Sandali lang ay tumayo ito at kinuha ang laruan niya.

"I want to try this to see if it will work. Would you mind coming with me outside?" Ang cute pa rin talaga ng batang ito.

"Ano ba iyang hawak mo?" Tanong ko dito habang nakatingin doon sa hawak niya. Ngayon lang din kasi ako nakakita ng bagay na hawak niya.

'Was that a toy? May remote control e,'

"How come you don't know this, Ate Faith? It's a drone," Nakakunot ng noo na wika nito.

"Drone?" Sambit ko at pilit inalala kung saan ko nga ba narinig ang familiar na salita na sinabi niya.

"Aist! ate faith, let's go!" kumakamot sa ulo na usal nito at saka nauna nang maglakad papuntang pintuan. Agad naman akong napatayo at tumakbo palapit dito at nasa harap lamang ng bahay na ito ang highway at maraming sasakyan ang dumadaan. Nang makalapit ako dito ay kaagad kong hinawakan ang kanang kamay nito. Lumabas kami at sandali ko siyang binitawan para i-lock ang pinto. Naagaw naman ang atensyon ko ng mga sasakyang dumadaan sa kalsada, nang matapos ako sa pagsara ng pinto ay ibinaling ko naman ang tingin ko kay Heaven, nakatingin din ito sa mga sasakyang dumadaan at nakakunot pa rin ang noo.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now