CHAPTER 6: Unspoken Glances

21 3 0
                                    

Bumalik kami sa building na pinanggalingan namin, pero dinaanan lang namin 'yung malaking room na pinasukan namin kanina. Umakyat kami paitaas. Hindi ko maiwasang mamangha habang iginagala ang paningin ko sa paligid. Grabe, ang lawak at ang laki ng building na ito kahit ito'y hanggang second floor lamang. Huminto naman kami sa unang room na madadaanan namin.

"Stay here, ladies. Boys, follow me." Sumunod naman 'yung apat. Sinubukan naman ni Eze na tingnan kung anong mayroon sa loob, pero nabigo ito nang agad na sinara ng babae ang pinto.

"Ano kaya ang gagawin nila sa loob?" wika ni Eze habang nakadikit ang kanang tainga sa may pintuan na animo'y mapapakinggan ito mula sa loob. Napaayos naman ito ng tayo nang biglang bumukas ang pintuan, tiningnan lang siya ng babae.

"Let's go,"

"Ahm, excuse me... would you mind if you tell us your name? Kanina ka pa po kasi namin kasama pero hindi man lang po kayo nagpakilala." Usal ko sa babae na nasa unahan namin, bigla naman itong huminto kaya napahinto din kami, tumingin ito sa'kin at sa mga kasama ko.

"Karin Samra, that's my name," lalakad na sana ito, pero hinawakan ko ang kamay niya. Alam kong nabigla ito ganoon din ang mga kasama ko.

"Why are you here? Why are you working here?" mabilis niya namang binawi ang kamay niya.

"Don't do that again," mahinahong usal niya ngunit seryoso ang mukha nito.

"It's not yet too late to repent and to turn away from your sins, and believe in Jesus Christ and for you to have Eternal Life," diretsang wika ko sa kanya without hesitation. Nakatingin lang ito sa'kin kaya ngumiti ako rito. "May mga kristyano na akong na-encounter na naging members din ng Illuminati noon, but God is amazing and good, He can change anyone's life and you too." Pagkatapos ko itong sabihin ay nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha nito, umiwas ito ng tingin pero may nakita ako sa labi nitong ngiti, ngiti na hindi pilit, ngiti na masaya. Muli nitong ibinalik ang tingin sa'kin kaya pinagmasdan ko ang mga mata nito na maraming gustong sabihin.

"Huwag mo na itong sabihin sa mga gurong narito at baka ibang tao ang makatapat ninyo. Mag-ingat kayo sa mga pagshe-share ninyo. Pumasok na kayo sa loob at kuhain ang mga gamit na kakailanganin ninyo." Sinundan ko lang ito ng tingin habang lumalapit ito sa may pintuan na nasa harapan namin. Binuksan niya ito at sumenyas siya sa amin na pumasok na.

'Pagshe-share?'

Bakit alam niya ang salitang 'yon? Tumingin ako kay Eze na nakatingin din sa'kin, alam ko kung ano ang iniisip nito. Ibinaling ko naman ang tingin kay Ruth na pinagmamasdan ang babae na kausap namin.

"Pumasok na kayo at ihahatid ko pa kayo sa magiging room ninyo."

"Room?" kusa ko naman itong naiusal.

"Room na pag-i-stayan ninyo, doon kayo matutulog." Sagot naman nito kaya tumango nalang ako rito pero ang laman ng isip ko ay ang salitang binitawan nito kanina.

'Only Christians used that word if the subject was God.'

"Maghihintay ako rito sa labas. Medyo bilisan niyo lang at babalik pa kayong dark room mamaya." - Miss. Samra

"Dark room? 'Yon po ba yung malaking room na pinasukan namin?" tumango naman ito kasabay ang mahinang pagtulak sa likod ko para tuluyan akong makapasok sa loob, sumunod naman ang mga kasama ko.

"Hihintayin ko kayo dito," wika pa nito bago isinara ang pinto, nakatitig lang ako sa pinto na nakasara.

"Steph," natauhan naman ako nang tinawag ako ni Ruth. Tumingin ako rito na nakatingin din sa'kin, sumenyas ito na lumapit ako sa kanya. Lumakad ako patungo sa direksyon nito habang iginagala ang paningin sa silid. Parang store ang napasukan namin sa dami ng mga gamit na naririto.

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now