CHAPTER 3: Unexpected Encounters

29 3 0
                                    

"What a beautiful Name it is ♪"

"Is he sleeping?" - eze

"was he dreaming...?" - eve

"Who's tha——" - ruth

"What a beautiful Name it is ♬
The Name of Jesus Christ my King ♪"

"ENOUGH!!!"

Biglang umalingawngaw sa loob ng silid ang nakakabinging sigaw ni mr. baal. Nakita ko naman ang paggalaw ng ulo nong lalaki na nasa itaas, nakaharap na ito ngayon sa amin na halata sa mukha ang gulat at pagtataka. Kinusot kusot nito ang mga mata niya at sandaling napatingin sa direksyon namin, iginala din nito ang paningin niya sa paligid.

'Mukhang natutulog nga siya doon kanina'

Inilipat ko naman ang tingin kay mr. baal, nanlilisik ang mga mata nito habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang tainga.

"Lahat kayo, balik sa upuan!" isa-isa naman kaming naglakad pabalik sa aming mga puwesto.

"You! Stand up!" galit na wika ni mr. baal. Nilingon ko naman ang lalaki na kumanta kanina, hindi ko maiwasang mamangha at magtaka sa mga aksiyon na pinapakita nito, tumayo siyang nakapamulsa na animo'y walang pakialam sa galit na mukha ni mr. baal.

"Bumaba ka di——"

"What a beautiful Name it is
Nothing compares to this ♬"

Kusa kong naigalaw ang ulo ko nang muling may narinig na kumanta. Tiningnan ko ito kung sino.

'John?'

"What a beautiful Name it is
The Name of Jesus ♪ "

"Wow," hindi mapigilang usal ko nang tumayo ang katabi ni John na si Isaac. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginagawa ng mga ito, muli nanamang dumaloy ang kaba sa aking puso nang makita ang galit na galit na mukha ni mr. baal, na para bang anumang oras ay makakagawa ito nang hindi maganda.

"Ruth, right?" naagaw naman ang atensyon ko nang may magsalita, kaya inilipat ko ang tingin dito

'Matthew?'

"Mind if you move, there?" dugtong pa nito at saka tumingin sa kanang upuan ni ruth na walang nakaupo. Kita ang pagtataka sa mukha ni ruth ngunit kalaunan ay umusog padin ito. Umusog din si eze at kasabay non ay ang paghila niya sa'kin.

Lumipat naman si matthew sa kaliwa ko na katabi ko na ngayon, napatingin naman ako sa kasama nitong si jacob na nakangising nakatingin sa kanya. Nagtataka kong ibinalik ang tingin kay matthew.

'Baka gusto niya lang talaga makita nang maayos ang mga kumakanta, yeah.'

Napakisap-mata naman ako nang makita ang pagtayo ni eve.

"What a wonderful Name it is ♪
♬ What a wonderful Name it is
The Name of Jesus Christ my King ♩"

Pagkatapos nitong kantahin ang mga linya na 'yon ay may hiyawan kaming napakinggan, maging ako ay hindi mapigilang maipalakpak ang kamay dahil sa ganda ng boses na mayroon ito.

*BLAGGG*

Gulat akong napapikit nang muling ibagsak ni mr. baal ang dalawang kamay nito sa mesa

"Ayaw niyo talagang magsitigil?! Humanda kayo mamay——"

"What a powerful Name it is ♬
♪ What a powerful Name it is
The Name of Jesus Christ our King ♪"

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now