CHAPTER 4: His Promises

31 3 0
                                    

'Go, in front,' bigla ko itong narinig sa isipan ko and I know it's a leading from the Spirit of God. Hindi ko maiwasang kabahan sa nais ipagawa ng Diyos sa'kin sa mga oras na ito.

'Go, and I'll tell you.'

Iginala ko ang paningin ko sa maraming estudyante sa loob na may kanya-kanyang mundo. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga at kinakabahang tumayo.

'I'll put my trust on You, O God. You're with me.'

Naibaling ko ang tingin ko sa lalaking nakatayo na napatingin din sa'kin. It's David. Hindi ko nalang binigyan ng pansin ang presensya nito at nag-umpisa nang maglakad pababa, habang siya naman ay umakyat paitaas.

Nang makarating ako sa unahan ay hindi ko maiwasang marinig ang kabog ng puso ko, hindi ko maiwasang kabahan. Tiningnan ko ang maraming estudyante na nagsiupo nang maayos nang makita nila ako.

'I'm nervous, God, but please, lead me.' Nakapikit na usal ko sa isipan at saka muling bumuntong hininga.

"Hi, everyone..." pag-uumpisa ko. Halos lahat ng atensyon nila ay nasa akin na.

"My name is Stephanie Faith, just in case some of you forgot already," natatawang usal ko trying to change the atmosphere here inside.

"If you'll ask me why I'm here in front, I didn't know either," natatawang usal ko uli saka napakamot sa ulo ko. May mga nakita din akong ibang mga estudyante na napangiti.

"I may not know why, but it was God who led me here," Nakangiting wika ko. "Can I sing a song for all of you?" Pagtatanong ko sa mga ito. Few students respond. I sighed once again, and then smiled.

"Para bang 'di mo na kaya ♬
At ka'y dami mong problema
Para bang sumusuko na
Pagod ka na?"

Muli kong tiningnan ang bawat mukha ng mga estudyante. May mga lalaki akong nakita na nagsitawanan ngunit iba ang sinasabi ng mga mata nila.

"Buksan mo ang iyong mata ♬
'Di bat nakatayo ka pa?
Alam ng Diyos kaibigan ♪
Kasama mo siya"

Kasabay nang pagkanta ko sa mga linya ng kantang ito ay ang pagtulo naman ng luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako na makita ang sitwasyon ng mga estudyanteng naririto. Alam kong hirap na hirap na sila, nahirapan, at nahihirapan. Alam kong karamihan sa mga andito ay nais nang makalaya at makabalik sa kani-kanilang pamilya. Maaaring may iilan na gustong manatili sa lugar na ito lalo na don sa mga kabataan na hindi maayos ang pamilya, o walang pamilya, ngunit sa tagal na nila sa paaralang ito at sa mga nakakatakot na nasaksihan nila ay alam kong mag-uudyok ang mga 'yon sa kanila na gustuhin nang makalabas sa unibersidad na ito. Ramdam at nakikita ko sa kanilang mga mata ang lungkot.

Sa paggala ko ng paningin ay may nakita akong mga estudyante na
umiiyak na rin. Ang iba naman ay nakatingala, at ang iba'y palihim na pinunasan ang kanilang mga luha, babae man o lalaki. May mga estudyante din na nakatingin lang din sa'kin na walang emosyon ang mga mukha.

"Huwag kang bibigay
Aayaw, magsasawa
Huwag kang mapapagod
Lalayo, manghihina
Gagamitin ka pa ng Diyos
Mahal ka nyang lubos"

Sandali nga lang ay may narinig na akong hikbi, at mga hagulhol sa loob.

'Express yourselves students, you can cry your heart out'

"Huwag kang bibigay
Aayaw, magsasawa
Huwag kang mapapagod
Lalayo, manghihina
Huwag mawawalan ng pag-asa
Darat---"

HELLAVEN UNIVERSITY (under revision)Where stories live. Discover now