EZEKIEL POV...
“Dad, are you sure she's okay?” tanong nito.
Nasa kusina ako now, nagluluto, maaga talaga akong nagising. Idk kung bakit ko ito ginagawa, pero naawa lang ako kay Yvielle. Ket minsan naiinis ako dito.
“Yes, puntahan mo muna tingnan mo kung gising na ba.” utos ko dito na kina baba nya naman sa lamesa at patakbong umalis sa kusina.
Sinigawan ko pa itong mag-ingat siya.
Sabado ngayon at walang klase. Malamang, diba, rinig ko mula sa sala ang pag-ring ng telepono kaya iniwan ko muna saglit ang hinain ko at pumuntang sala.
“Is it Mr. Guevara?”
“Yes, speaking.” naguluhan ako kung bakit ako hinahanap. Syempre, may kailangan diba?
Nagulat ako sa sinabi nito kaya dali-dali ko binaba ang telepono at kinuha ang susi ng aking kotse at umalis na sa bahay.
May panghahawakan akong kaso. It's time for it. Matagal ako hindi nakakahawak ng kaso kaya sa pagtuturo ko, pinagtutuonan ng pansin ngayong may hawak na naman akong kaso.
Sigurado akong hindi ako makakapagturo ng maayos.
“Oh, you're here.” saad ng isang babae. Sexy ito at maganda.
Kakarating ko lang sa sinabi nitong lugar, umupo ako. Sinenyasan nya akong umupo, may inabot ito sa akin brown envelope.
Kaya tinanggap ko ito at pagkabukas ko, maraming picture ito ng isang lalaki.
“What’s the meaning of this, Ms.?”
“I look at your information and I see that you're a good lawyer, kaya gusto ko ipahawak sa'yo ang kasong iyan,” saad nito. Tinitingnan niya ako, pulis ba?
“Ms., I'm not a police. I'm a lawyer, ok?” seryosong saad ko at ibinaba ang hawak kong mga picture.
“Yeah, I know, pero kung ayaw mo tumulong sa panghahanap sa lalaking ito, ang mga pulis na lang. But please, ikaw na ang humawak ng kasong ito. He killed my father. Gusto kong mabulok ito sa kulungan.” nagmamakaawang saad niya.
“Alright, tatanggapin ko ang kasong ito. Since now lang ako nakahawak ng bagong kaso.” napangiti siya dito.
“Thank you so much, Mr. Guevara. Nice to meet you.” ngiting sambit niya at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman itong kinuha.
“Call me Ezekiel.”
“Ok, Ezekiel. I will call you if ever nahanap na namin siya. Pero kapag nakita mo itong muka nya, tawagan mo na lang ang mga pulis. Alam na nila ang gagawin.” nakangiting saad nya.
Shit, tong babaeng to, ngiting-ngiti, pamilyar ang muka nya. Dko alam kong saan ko ito nakita.
Kanina pa ito ngiting-ngiti sa akin at tila kilala ako. Uu, kilala ko siya bilang isang sikat na model, pero parang mas higit pa doon ang pagkakilala ko sa kanya.
Hindi ko lang mawari kung saan at kung anong connect nito. Iwan ko.
Napatango na lang ako at nagpaalam. Mabait naman ito dahil ayos lang kausap, kaya naging maayos ang pag-uusap namin.
At tungkol sa kasong pinapahawak niya sa akin, natuwa naman ako dahil unang kaso ko naman ito, matagal tagal ng hindi nakakahawak ng kaso.
It's already 10 am. Tumagal pala ang pag-uusap namin. Medyo nainis pa ako dahil tanong ng tanong.
Kung alam niya naman ang information ko, dapat alam na niya lahat. Kilala siya bilang isang model sa USA.
Ng tanongin ko ang name nito, hindi niya sinabi, for privacy daw.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomantikThis story is under editing I will update the chapter if I'm done editing them ‼️ -- EZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) -- Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang an...
