CHAPTER 14: coincidence?

1.9K 34 0
                                        

"I miss you so much, sis." nakangiting saad ni Ylley habang nakatingin sa mukha kong kapareho ng sa akin.

Ang kambal ko-pero magkaiba kami mahilig siya sa make-up at mahilig magpa-sexy.

"Ano ba ang ginagawa mo dito, Ma? Akala ko may family bonding kayo ng lovebirds mo?" saad ni Kuya Khalil.

"Hindi mo na ba talaga ako ginagalang, Khalil? Sinasagot mo ako dito sa harap ng ibang tao," sigaw ni Mama kay Kuya.

"Sus."

"PWEDE BA MANAHIMIK KAYO? ANO BANG GINAGAWA N'YO DITO?!" biglang sigaw ko.

Sabihin na nilang wala akong galang, pero pagkatapos ng pang-iiwan nila sa akin, babalikan nila ako? Bakit, sobrang yumaman na ba sila para ipamukha sa akin na andito ako sa mahirap na pamilya? Nagulat silang pareho sa sigaw ko.

Kaming apat ang naiwan dito dahil binigyan kami ng privacy nila Ezekiel.

"Andito ako para kunin ka, anak," saad ni Mama.

"Sumama ka na sa amin, Yvielle," rinig kong saad naman ni Kuya.

"Hindi ka nababagay sa lugar na 'to, sis. Malaki ang bahay namin, pwede ka doon. Sumama ka na sa amin," saad naman ni Ylley.

Hindi ko mapigilang umiyak dahil naalala ko ang nangyari sa akin noong iniwan nila ako sa labas ng kalsada.

"Hindi nababagay sa lugar na ito? Malaki ang bahay n'yo? Hindi, Ylley. Sanay na akong mabuhay sa mahirap. Pinaghihirapan ko ang gusto ko bago ko makuha. Bakit nung nagmamakaawa akong huwag n'yo akong iwan doon sa gitna ng kalsada, nagpakita ba kayo ng awa sa akin? Hindi. Ang gusto kong bumalik ay si Papa. Siya ang gusto kong makita ulit, hindi kayo," prangka kong saad sa kanila.

Hindi ko alam ang totoong nangyari kung bakit nila ako iniwan sa labas, pero ang naramdaman ko noong mga oras na iyon ay hindi madaling mawala.

Sa matagal na panahon, nanatili ang sakit na iyon sa dibdib ko.

"Nagmakaawa ako, hinabol ko ang kotse n'yo, pero hindi man lang kayo tumigil." Napaharap ako kay Mama at umiiyak ko siyang tiningnan.

"Ma, naisip n'yo ba ang mararamdaman ko nung iniwan n'yo ako sa labas? Tatlong araw akong walang kain. Naisip n'yo ba akong balikan?" iyak na saad ko.

"Kung hindi po dumating si Tita Marita, siguro wala na ako ngayon sa harap n'yo. Sanay ako sa mahirap. Bakit pa kayo bumalik? Ayos na ako sa simpleng buhay na 'to, at kung sa tingin n'yo sasama ako sa inyo, hinding-hindi iyon mangyayari. Makakaalis na kayo," saad ko at umalis doon.

Hinawakan pa ni Kuya ang pulsuhan ko pero binawi ko ang kamay ko.

"Kuya, please, huwag niyo na akong guluhin. Kung masaya kayo, masaya na rin ako sa buhay ko ngayon. Mahal ko ang tinuturing kong pamilya ngayon, andiyan si Ylley-kamukha ko siya-siya na lang ang gawin niyong ako," saad ko.

"Yvielle, matagal ka naming hinanap ni Ylley. Namimiss ka namin, Loraine," napatingin ako sa mga mata nito, puno ng pangungulila at lungkot, pero hindi ako sigurado sa magiging pasya ko.

"Pasensya na, pero ayoko munang magdesisyon. Hindi ko pa alam ang gagawin ko," saad ko at binawi ang kamay ko saka umalis doon.

Patakbo akong pumasok sa kwarto ko at sinara ito. Napaupo ako sa kama habang umiiyak.

Ano ba ang gusto nila? Bakit kailangan pa nila akong balikan ngayong masaya na ako sa kung anong buhay ang meron ako ngayon?

Binuksan ko ang box na nasa drawer ko. Nakita ko roon ang matagal kong tinago na binigay ni Papa at ni Kuya.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now