CHAPTER 18: Unang laro

1.8K 21 0
                                        

Nanatili akong nakatitig kay papa, ’di ako makapaniwalang andito na siya muli. Ngumiti siya sa’kin kaya nginitian ko rin ito.

Kinuha ni Ezekiel sa’kin si Azrael at nakita ko ang pag-alis nito. Umiyak pa si Azrael dahil ayaw umalis, pero ’di ko inisip ’yon at tumakbo kay papa at niyakap ito.

“Pa, I miss you.”

“I miss you too, Yvie,” anya at niyakap ako. Hinalikan nito ang noo ko bago ngumiti sa’kin.

“Matagal po kitang hinanap, papa,” saad ko rito.

“I’m sorry at natagalan si papa ah, but now I’m finally here. Maaalagaan ka na ng maayos ni papa,” masayang saad nito na ikinangiti ko.

Naupo kami sa sofa at nagkuwentuhan tungkol sa mga nangyari noong mga panahong umalis si papa sa amin. Na-miss ko talaga siya.

“Nakausap mo na ba ang kuya at kapatid mong si Ylley?” tanong nito na ikinatahimik ko.

“May problema ba, Yvielle?”

“Ah, pumunta po sila dito noong nakaraang araw kasama si mama,” walang ganang saad ko.

“Talaga? E ano sabi ng mama mo?”

“Kukunin niya ako at tinawag niya akong anak sa lahat ng ginawa niya sa’kin, tapos babalik siya para kunin ako. Pa, ayoko po, dahil sa buhay dito kila Tita Marita ay masaya po. Nasanay akong kasama sila, ’yung pagsisigaw ni Tita Marita sa’kin sa umaga dahil may pasok ako, ’yung kakulitan ni Yla, para na silang pamilya ko, kaya ayokong iwan sila,” paliwanag ko na ikinangiti niya.

“Eh pag kinuha kita kasama sila, sasama ka ba kay papa?” tanong nito.

“Syempre po, basta kasama sila Tita at Yla. Bakit pa kukunin n’yo po ako?” magalang na saad ko.

Para na tuloy akong bata, spoiled kasi ako kay papa kaya ganito ako ngayon, laging nagpapalambing kay papa.

“Oh, I have something to ask you, darling,” anya kaya napatango lang ako.

“Ano po ’yon, pa?”

“Magkakilala ba kayo ng abogadong ’yon at ng bata? Bakit ka tinawag na mommy? May relasyon ba kayo ng lalaking iyon at nagka-anak ka sa kanya?” tanong nito na ikinagulat ko.

Oo nga pala, kanina pa sigaw na sinabi ni Azrael sa’kin ’yon, tapos nakatingin si papa.

“Ah, si Ezekiel po, teacher ko siya tsaka mabait iyon. At ’yung batang iyon, anak niya lang. Tinatawag lang akong mommy kasi ’di ko po alam, pero aalamin ko po,” nakangising saad ko na ikinango niya.

“Nakausap ko na ang kuya mo and he wants to talk to you, anak,” anya.

“Sige po, gusto ko rin marinig paliwanag niya. ’Di ko naman nais gano’n ang inasal ko kila kuya noong pumunta sila dito, pero nasasaktan ako sa ginawa nila,” saad ko.

“Alam kong mahal na mahal ka ng kuya mo at ni Ylley,” saad nito kaya ngumiti ako. Yumakap ako kay papa.

Hindi ako galit kay papa kasi sabi niya may inaayos lang siya bago bumalik. Iyon ang sabi sa’kin ni Tita Marita.

“Papa, ano ’yung inayos mo? ’Yun kasi ang sabi ni Tita Marita sa’kin,” tanong ko.

“Ah, inaalagaan ko lang ang lola at may maliit lang akong inayos at naging okay naman iyon,” anya.

“Tagal n’yo pong nawala, papa. Inantay ko po talaga kayo.”

“Sorry, anak. Babawi si papa sa’yo. Sasama ka sa’kin ah, doon ka na sa bahay titira,” saad nito kaya napaisip ako.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now