CHAPTER 15: information

1.8K 22 0
                                        

Nakatingin ako ngayon kay Yvielle. Mahimbing itong natutulog, bago kasi ang usapan namin kanina ay nakatulog ito habang niyayakap ko.

Kaya pinahiga ko na at kinumutan. Napangiti ako nang maalala ko ang kanina, yey.

Pagkatapos noon, lumabas na ako. May kailangan pa kasi akong gawin. Kailangan kong malaman ang totoo; hindi basta-basta ang gagawin ko.

Kailangan kong mahanap ang impormasyon kung nasaan naroroon ang ama ni Yvielle. Kailangan niyang magbayad.

“Ah, Tita Marita, maaari po bang dito na muna si Azrael? May importante po kasi akong lakad,” saad ko rito.

“Oo naman, doon ko na lang siya patutulugin kay Yvielle. Mag-iingat ka,” anya, kaya ngumiti ako at nagpasalamat muna bago ko nilisan ang lugar na iyon.

Pagkalabas ko ay agad akong pumasok sa kotse ko at pinaandar ito. Kinuha ko agad ang cp ko at tinawagan si Clarence

What baby boy?" bungad nito nang masagot niya.

"𝒕𝒔𝒌, 𝒑𝒖𝒎𝒖𝒏𝒕𝒂 𝒌𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒉𝒂𝒚, 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒔𝒂yo." seryosong saad ko.

"𝒎𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒍𝒐𝒈 𝒏𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒆𝒊, 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒃𝒐 𝒌𝒂 𝒏𝒎𝒏." kahit ’di ko siya nakikita, inirapan ako nito.

"𝒎𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒍𝒐𝒈 𝒅𝒂𝒘 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒓 𝒏𝒎𝒏, 𝒏𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒏𝒐𝒉𝒂𝒏 𝒌𝒂 𝒏𝒂 𝒏𝒎𝒏. 𝒃𝒂𝒌𝒊𝒕, 𝒅𝒊 𝒌𝒂 𝒕𝒍𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐?" saad ko.

"𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒎𝒐 𝒕𝒍𝒈𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒐𝒉, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒘𝒂𝒈 𝒌𝒂 𝒎𝒂𝒊𝒏𝒈𝒂𝒚 𝒅’𝒚𝒂𝒏." anya.

"𝒂𝒏𝒐 𝒃𝒂 𝒖𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒔𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒎𝒐? 𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒊𝒃𝒊𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂’𝒖, 𝒆𝒊." dagdag niya.

"𝒕𝒔𝒌, 𝒑𝒖𝒎𝒖𝒏𝒕𝒂 𝒌𝒂 𝒏𝒂. 𝒃𝒂𝒃𝒂𝒆𝒓𝒐 𝒌𝒂 𝒕𝒍𝒈, 𝒃𝒊𝒍𝒊𝒔 𝒏𝒂."

"𝒊𝒕𝒐 𝒏𝒂."

Pinatay ko na agad ang tawag at pinaharurot ang kotse ko hanggang sa makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin ako sa bahay.

Tahimik na kaya pumasok na lang ako.

“Hey.” It’s Clarence.

“Ay hala, natakot ako, tsk,” saad ko.

Ang mukha niya may harina—nagplano ba ’tong takotin ako?

“Eh pinaghirapan ko ito, eh. ’Di ka man lang natakot,” anya. Umupo ako sa sofa.

“Umupo ka nga, may ipapahanap ako sa’yo,” seryosong saad ko.

“Ha.”

“Hatdog.”

Napaayos ako ng upo habang nakatingin lang sa kanya nang seryoso kaya tiningnan niya ako nang may pagtataka.

“Find the information about this man,” seryosong saad ko at inilapag sa lamesa ang litrato ng ama ni Yvielle.

Kinuha niya ito at binuksan, nagulat siya sa nakita.

“Mr. Sevellina? Napakayaman ng taong ito, Ezekiel, pero pangalawa lang siguro sa kayamanan mo. Pero bakit mo pinapahanap ang information nito?” takang tanong niya.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now