CHAPTER 19: kiss

1.8K 21 0
                                        

YVIELLE LORAINE POV...

Nagluluto ako ngayon kasama si Sir. Darating kasi sila kuya at dito na namin paghahapunan. Marami ang niluto ko, sari-sari ito.

“Sarap mo naman magtimpla,” puri ko sa kanya. Nagluto rin kasi siya ng tinolang manok, marunong pala siyang magluto.

“Ako ba? Want mo tumikim,” anya na ikinagulat ko. Anong tikim ba ’yon?

“Huh?”

“HAHA,” rinig kong tawa niya kaya napasimangot ako. Tinatawanan niya ba ako?

“Ano’ng nakakatawa?”

“Hmm, wala,” anya kaya tinalikuran ko siya.

Tiniktiman ko ang niluto kong adobong manok pero nagulat ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

“Hoy, nagluluto ako. Kapal naman ng mukha mong yakapin ako,” saad ko.

“Gusto mo rin naman eh. Can I taste that?” saad nito.

Parang may sariling buhay ang kamay ko at pinatikim ko sa kanya.

“Hmmp, good. Masarap ka naman pala magluto. I like it,” puri niya na ikinangiti ko.

Humarap ako sa kanya at hinila ang necktie niya, kaya napalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Ngumiti ako habang gulat na gulat siya sa ginawa ko. I try to seduce him again.

Dalawang buwan na lang at matatapos na ang challenge nila, at kahit ayoko ang ginagawa ko, hinalikan ko siya pero smack lang naman kaya napatulala siya.

“You like it, huh?” panghahamon ko na ikinangiti niya, kaya pinalibutan niya ako ng mga braso niya.

“Yes, can I taste it again?” anya, ilalapat na sana niya ang labi niya sa labi ko nang marinig namin ang tikhim ni papa.

“AHEM.” anya, kaya sabay kaming napatingin.

Agad kong itinulak si Ezekiel at nilapitan si papa.

“Pa, kayo po pala. Malapit nang maluto ang niluluto namin, ihahain na lang pag tapos na,” saad ko.

Tiningnan niya nang seryoso si Ezekiel na parang hinahamon niya ito.

“Andito na sila kuya mo,” saad nito kaya napatango na lang ako.

“Sige po, pupunta na lang kami mamaya,” saad ko.

Ngumiti ito at muling tiningnan nang seryoso si Ezekiel. Teka nga, galit ba sila sa isa’t isa?

“Ayusin mo, Ezekiel,” saad ni papa, pero ngumisi lang si Ezekiel. Agad namang umalis si papa. Napalapit ako kay Ezekiel.

“Ah, Ezekiel, magkakilala ba kayo ni papa?” tanong ko habang inihahain ang niluto ko.

“Yes, I already know him. Kilalang kilala ko siya sobra pa sa sobra,” seryosong saad nito.

“Huy, ang seryoso mo naman,” bigla kong saad.

Tinapik ko ang braso niya dahil masyado siyang seryoso, pero ngumiti lang siya.

“Tara na at alam kong nagugutom na ang mga bisita mo, pati na rin siguro ang anak natin,” anya at hinalikan ako sa labi bago ako iwanang nakatulala.

Bakit ba palagi siyang ganyan, mas lalo tuloy akong nai-in love.

Kinuha ko na rin ang niluto ko at sinundan siya papunta sa lamesa. Andoon na nga ang lahat sina kuya, sila tita Marita.

Punong-puno ang lamesa, buti na lang tinulungan ako magluto ni Ezekiel.

Pagkatapos mailapag ang mga niluto namin, inilapag ko na rin ang dala ko. Nagulat pa ako nang akbayan niya ako, ikinagulat nina papa.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now