YLA POV...
Nakangiwi akong nakatingin kay Azrael na kanina pa lang ako pinapahabol dahil kinuha nito ang CP, may sinusulat pa naman akong assignment—istorbo talaga itong batang ito.
“Azrael, dahan-dahan lang, baka madapa ka at magalit sa akin, C. Ate.” Suway ko dito.
“Nyenye, habulin mo ko.” Pang-aasar niya.
“Pag ako naasar sa’yo, babatohin na talaga kita.”
“Sige, batohin mo daw.” Cool na saad niya, kaya mas lalo akong nainis. Nakong batang ‘to talaga.
“Azrael, plss.” Pagmamakaawa ko.
“Nagsusulat pa ako ng assignment, promise, pag natapos ako, papahiram ko sa’yo.” Dagdag ko.
“Talaga?”
“Oo nga, promise.”
“Nag-promise ka ah, sige, tau na don at bantayan lang kita.” Anya at hinila ako sa sofa bago niya binigay ang CP ko. Mabait naman pala, eh.
Agad kong pinagpatuloy ang ginagawa ko. Wala si Ate, kaya ako na lang ang magsasagot.
Mukhang madali lang naman ito. Mga ilang oras pa, nagpahinga ako dahil ang sakit ng kamay ko, kaya binuksan ko muna ang FB ko.
Nakatulog naman si Azrael kaya hindi ako kukulitin nito.
Tiningnan ko ang mga nag-friend request sa’kin at nagulat ako sa nabasa ko: “Shitsu accepted your friend request.” Yan ang nabasa ko ‘kasi’ ang pangalan ng crush ko sa FB.
Kaya pinindot ko ito para i-stalk. Pero nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa nakita ko—naka-married na sila ng jowa niya, mukhang clown pa, naka-bio, tapos naka-featured. Ang swerte naman ng babaeng iyon.
Ng stalk, pinai-save ko ang mga picture niya. Ang pogi, kasi oo, pero hate ko ang profile niya.
Ngayon couple na sila ng jowa niya, pero silang dalawa naka-mirror shoot. Hindi sila bagay, eme, HAHA.
“Pangit naman.”
Said ko nang inistalk ko ang GF niya. Maganda siya, pero para sa akin, mas maganda ako.
Nag-profile pa ito na naka-swimsuit. Wala nang dede, mas malaki sa akin, shshhh, HAHAH.
“Flat naman, eh.”
“Ayst, isa pa to.”
“Pangit.”
“Jjmon.”
Tanging lumabas sa bibig ko nang makita ko ang lahat ng profile niya.
Napabuga ako ng hangin at tumingin muli sa aking sinusulat, at walang ganang muling magsulat.
MARITA POV...
Kasulukuyan akong nakaupo sa labas, kakatapos lang magluto ng haponan namin. Ang anak naman ni Yvielle ay andon sa sala, naglalaro sila ni Yla.
Pinapatuloy ko lang ang aking ginagawa, nanatiling nakaupo sa maliit na upuan sa may mangga, at di sa malaman na dahilan, naalala ko ang mga nangyari kung bakit nasa akin si Yvielle ngayon.
--
"Marita, pls taking care of my daughter," saad ng aking amo na di ko malamang dahilan.
"Ho pero anak mo po iyon tapos ipagbibigay niyo?" tanong ko dito.
Malaking away ang nangyari kanina, nalaman kasi ni sir na may kabit ang asawa nito.
"I know, pero alam ko kung aayawan siya ng ina niya. Marita, pls kukunin ko siya pag okay na ang lahat, babalikan ko si Yvielle," seryosong saad at tila nagmamakaawa sa akin.
