YVIELLE LORAINE POV...
Napagalaw ako mula sa aking kinahihigaan at napayakap sa katabi ko pero nakapikit lang ako. Kagabi kasi tabi kami ni Ezekiel natulog.
Napahawak ako sa ulo nito pero napakunot ang noo ko nang maliit ito. Napahawak ako sa bewang nito, bakit parang ang liit?
“Hi mommy, good morning.” saad ng pamilyar na boses kaya napabangon ako.
Napatingin ako kay Azrael nang magsalita ito. Ngumiti pa ako bago ko hinanap si Ezekiel. Bakit nawala agad ang lalaking iyon?
“Where’s your dad?”
“I’m here.” saad nito. Lumabas ito mula sa CR kaya napa-ngiwi ako, naka-towel lang kasi ito at walang pang-ibabang damit.
“Ah, Azrael kumain ka na ba?” tanong ko kay Azrael. Binaba niya naman ang hawak niyang cellphone at tiningnan ako.
“Yes mom, nagluto po si daddy.” saad nito.
“Ah, Ezekiel?”
“Hmm?” anya, naka-bihis na ito kaya malaya ko siyang tiningnan.
“Sila papa ba andiyan na?” agarang tanong ko na ikinango niya. Aalis ako ngayon, kami pala nila Tita Marita, doon kami titira sa bahay ni papa.
“Ah sige, maliligo lang din muna ako.” saad ko at agad akong tumayo at kinuha ang towel ko at kumuha ng damit tapos nilagay sa may upuan bago ako pumasok ng CR. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa CR. Kinakabahan ako kay Ezekiel, sh*t.
Kagabi kasi nagkwentuhan kami about sa mga nangyari sa buhay namin pero mas kawawa siya. Namatay ang kuya niya na mga magulang daw ni Azrael.
Yes, sinabi niya sa’kin na hindi siya ang ama ni Azrael at pamangkin lang niya ito.
May pumatay daw sa kapatid niya na hindi niya kayang patawarin at gagawin niya ang lahat para makulong at mapagbayaran ang kasalanan nito sa kanya.
Kahit hindi ko alam ang totoong pumatay sa kapatid niya ay g na g ako sa plano niya dahil sino ba naman ang hindi maghahanap ng hustisya noon, diba?
At bakit doon siya naligo? Walang shower dito, maarte pa naman siguro iyon. Nagsimula na akong maligo kahit malamig ay tuloy pa rin ang ligo ko.
Nang matapos ako ay binalot ko ng tuwalya ang katawan ko nang maalala ko na wala pala akong dalang damit.
Napatakip ako sa bibig ko, gag* ayokong lumabas na naka-ganito. Alam kong hindi pa rin lumalabas si Ezekiel, rinig ko kasi mula dito ang sounds ng laptop niya, nanonood ng video.
Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at nakita ko nga itong nakahiga sa kama ko, feel at home, ampt.
“Ezekiel?” pagtatawag ko. Agad itong napatingin sa’kin. Ulo ko lang ang inilabas ko, ayoko kasing makita niya akong ganito.
“Why?”
“Pwede pakikuha ng damit ko? Andiyan lang sa may upuan oh, please?” pakiusap ko.
Tumingin naman ito sa damit ko, tumayo siya at kinuha ang damit ko. Napapikit pa ako nang hawakan niya talaga ang underwear ko.
Nang makarating siya sa pintuan ay agad ko itong hinablot at sinarhan ng pinto. Agad din naman akong nagbihis.
“Bilisan mo, may sasabihin ako.” rinig kong saad nito.
“Uu, ito na.”
Saad ko. Wala na akong narinig mula sa kanya kaya inayos ko na ang suot ko. Nagsuklay pa ako bago ako lumabas ng CR. Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomanceEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
