CHAPTER 11: punishment

2.5K 35 0
                                        

YLA POV...

Naglalakad ako ngayon papasok sa school namin. Nauna na ako kay Ate kasi excited akong manood sa laro nila ng crush.

Yes, napag-usapan na namin iyon ni Carla, my one and only best friend, at kasali doon si Ethan, ang boy best friend namin ni Carla.

Pag makarating ko sa room namin, agad akong napa-upo dahil hiningal ako kakalakad kanina.

Nagpa-electric fan pa ako, ang init kasi pinagpapawisan ako. Nagulat ako sa pagdating ni Carla.

“Be, ayaw mo ba pumunta doon? May laro ngayon ang crush mo, diba?” saad nito sa akin.

“Uu, nga pala, ang crush ko laro nila, hindi pwedeng wala ako doon.”

“Ay, uu nga pala, noh? Tara na at baka mahuli pa tayo,” saad ko. Hinila ko agad siya.

“Teka, dahan-dahan lang naman, dai,” reklamo nito pero hindi ko inintindi ang sinabi nito at hinila lang siya.

Patakbo kaming pumunta sa gym at na-upo na. Kitang-kita ko talaga kapag maglaro na sila.

Nag-announce na ang naka-mic at nakita ko agad ang crush ko, pero nabawi lang din ang ngiti ko nang kasama nito ang gf niya. Yes, may gf ito at maganda ito.

Nong g-7 ko pa itong crush hanggang ngayon, pero bad news, may gf na ito, kaya tamang humanga na lang ako sa kanya, sobrang gwapo naman ang crush ko.

“Ay be, kawawa ka naman muse, yung jowa oh, bagay sila,” biglang saad ni Carla.

“Tama naman, bagay sila,” sambit ko.

“Beh, andito ako para i-support crush, hindi para sa gf niya,” masungit kong saad.

“Ey, nagseselos ka lang, eh! HAHAHA,” tawang saad nito. Napairap ako sa dami ng sasabihin, ‘yun pa.

“Tama ‘yan, at mag-focus tayo dito,” saad ko. Tumawa lang ito at nanood na kami.

Ang galing niya maglaro, pag hawak niya ang bola, nags-shoot talaga, walang palpak.

Syempre, andyan ang jowa niya at ang iba pang humahanga sa kanya, kaya mas gagalingan haha.

“Galing naman ng Mr. Ashton mo, beh,” palakpak ni Carla.

“Yes, panalo sila!” tumayo ako at lumapit sa kanya, aabotan sana ng tubig pero nilagpasan niya ako at masayang niyakap ang gf niya.

Napatulala ako, huy nakakahiya.

“Para sa akin, bato, ey salamat,” biglang hinablot ni Ethan ang dala kong tubig.

Napangiti ako ng mapakla—he’s my boy bestfriend since g-7 pa lamang kami.

“Nah, beh, hindi ka talaga papansin ng crush mo kaya tigilan muna ‘yan,” biglang sulpot ni Carla.

“Paghanga lang daw, Carla, intindihin mo na lang ‘yang kaibigan mo,” sabat ni Ethan.

“Tsk, panira ka, hali na nga, magbihis ka na Ethan at pawis na pawis ka na,” saad ko.

“Yes, concern na siya sa akin.”

“Syempre, magkaibigan tayo. Sige na at amoy palaka ka, HAHA,” natatawang saad ko. Napasimangot ito.

“Palaka talaga.”

“Totoo naman,” sabat ni Carla.

“Edewow, pinagkakaisahan nyo ko,” nagtatampong saad nito.

Napatawa na lang kami ni Carla sa itsura nito. Kapag kami tatlo, talaga nagkakasama, sobrang saya talaga, HAHAH. Hinila ko na siya para makakain kami.

“Beh, nakikita mo ba?,” biglang saad ni Carla.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now