CARLOS POV...
“Where’s Yvielle?” tanong ni Papa nang makarating kami, ’di niya kasi nakita ito.
Nang makarating kasi kami kanina sa bahay nila Marita ay umalis rin kami. Hinanap ko muna si Yvielle pero sabi ko, wala. Kasama raw sina Ezekiel.
Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawing kagaguhan ng Ezekiel na ’yon sa anak ko.
“We don’t know, Papa,” saad ko.
“What? Pumunta kayo dito nang hindi siya kasama? And who is this boy? This is your son, Khalil?” tanong nito kay Khalil.
Karga kasi nito ang anak ni Ezekiel. Magkasundo na agad sila, sumama kasi ito dahil walang mapag-iwanan. Iniwan ba naman doon para kiringkingin ang anak ko.
“Ah no, Lolo. Anak ’to ni Yvielle,” anya. Napa-roll eyes ito.
“What? Pero nag-aaral pa siya. Pero ayos, give my apo,” anya at kinuha kay Khalil ang bata.
Sa loob ko lang ipapaliwanag sa kanya ang lahat if ever magtanong na lang siya.
“Marita, is that you na ba?” saad ni Papa. Yabang nang beso nila ni Marita. Ngumiti lang ako habang ang bata naman ay natatakot lumapit dito.
Matagal nang naninilbihan si Marita sa ’min. Noong wala pa akong asawa ay andoon na ’yan siya. Dalaga pa si Papa, talaga inaalagaan niya.
Sabay kami umupo sa sofa. Nagpupumiglas si Azrael na nasa kandungan ni Papa. Kahit matanda na ito ay may lakas pa rin siya.
“And who is this girl?” tanong nito habang tinitingnan si Yla. Ang ganda rin ng batang ito, mana kay Marita. Kita ko naman ang pagsiko ni Marita sa anak nito.
“Ah hello po, ako nga pala si Yla Mendez. Anak po ako ni Mama,” anya. Natawa ako sa sinabi nito.
“Mama?”
“Ay HAHA, ni Mama po. Mas magandang kung Mama si Mama Marita po,” anya kaya ngumiti ako. Palabiro din pala tong batang ito.
“You’re good at joking. I like that,” saad ni Papa. Napatawa na lang kami pareho.
**
“I don’t know you po, tsaka sabi ni Ate Yla na kukunin lang po ako ni Daddy at Mommy mamaya,” saad nito sa ’kin. Kausap ko ito kakatapos naming kumain at maggagabi na. Wala pa rin si Yvielle.
“Ikaw, bata ka. May nabanggit ba si Yvielle sa ’yo kung saan siya dadalhin ng gag* mong ama?” saad ko. Kita ko ang pag-pout nito at parang iiyak na.
“You’re a monster and don’t ever call my dad like that. Isusumbong kita kay Mom at Dad,” iyak na sambit niya.
“Oh, bakit? Natatakot ba ako sa ama mo? At huwag mo tatawaging Mommy si Yvielle dahil hindi mo siya ina.”
“She’s my mom.”
“No.”
“My mom is she,” iyak na saad niya.
“Pwede ba, tumigil ka sa kakaiyak mo? Nakakarindi ka na kasi, at sa oras na marinig kitang tinatawag mong Mommy ang anak ko, ilalayo ko siya sa ’yo, naiintindihan mo ba?” gigil na saad ko. Pero umiyak lang ito tsaka tumango.
“Pa, huwag n’yo naman ganyanin ang bata,” biglang sulpot ni Ylley. Napapunas si Azrael at lumapit kay Ylley.
“Mommy, inaway niya po ako,” sumbong nito. Napanganga naman si Ylley.
“What? I’m not your mother, baby boy. I’m her sister, Tita Ylley mo,” paliwanag nito. Umiyak na naman ito.
“I need my mom.”
