Kakababa ko lang sa taxi na sinakyan ko. Ang sakit ng buong katawan ko dahil kanina sa pinagawa ni sir.
Naiinis akong bumaba bago magbayad kay kuyang driver at tamlay na pumasok sa loob.
“Mom, what happened?” napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko.
Napatingin ako sa batang tumawag sa’kin—si Azrael.
“Jusq, batang ’to, ginulat mo ako,” saad ko at sinimangutan siya.
“I’m sorry, mom,” malungkot niyang saad. Kinarga ko siya kahit mabigat ang bag na dala ko.
“Okay lang. Ba’t ka pala andito, Azrael? Sino naghatid sa’yo dito?” takang tanong ko habang papasok kami sa loob.
“Nagpahatid po ako sa driver ni daddy. I just wanna see you, mom,” anya. Cute naman ng anak ko.
“Miss mo agad ako?”
“Always, mom. Wish ko po sana tanggap mo muna akong maging baby mo,” naka-pout na saad niya, cute.
“Oo naman. From now on, you’re my baby na. Magiging anak ka na ni mommy,” nakangiting saad ko. Nagulat ako nang halikan niya ang pisngi ko.
“I love you po.”
“Love you too, Azrael,” saad ko, nakangiti.
Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Pagdating namin sa pintuan, agad bumungad sa’kin si tita.
“Nako, batang ’yan, kanina ka pa hinahanap ng anak mo. Tapos ’yung driver daw ni Ezekiel ang naghatid niyan dito. Nangungulit daw, gusto ka raw makita kaya nandito,” saad ni tita.
Napahinto ako at tumango, saka ibinaba si Azrael. Talagang anak na ang turin ko sa batang ito.
“Eh tita, okay lang po ba kayo?” tanong ko. ’Di ko maintindihan kung bakit ang bait-bait niya sa’kin.
“Syempre naman. Ano, mukha ba akong may sakit, Yvielle?” seryosong tanong niya.
“Ay wala po, ’di ko lang po kasi maintindihan kung bakit ang bait-bait niyo na sa’kin,” saad ko, sabay ngiwi.
Hindi niya ako pinansin at pinapasok na lang kami sa loob. Pagod akong napaupo sa kama at napahiga.
Katamad yung pinagawa sa’kin ni sir kanina, nakakainis hanggang ngayon.
Napatayo ako at pumasok sa loob ng CR. Maliligo ako kasi pupunta ako kina Liam para mag-celebrate.
Wala naman kasi akong gagawin dito, nakakaboring lang. Pumasok na ako sa CR para matapos na ang ginagawa ko.
Makalipas ang ilang oras, natapos din ako at agad nagbihis. Napansin ko ang bigay na bracelet ni papa sa’kin.
Medyo hindi ko na maalala ang mga dati pang nangyari sa’kin, pero pilit kong inaalala kasi sa tagal ng panahon, nakalimutan ko na.
Sabi-sabi kasi, iniwan daw ako ni mama sa labas ng kalsada dahil bunga lang daw ako ng kasalanan, kaya ’yon ang pinaniniwalaan ko ngayon.
Three years old pa lang ako nung makita ako ni tiya at ampunin niya.
Unti-unti ko namang naaalala ang dati, pero kaunti pa lang yung iniwan ako ni mama sa kalsada, hinayaan nila akong habulin ang kotse nila na papalayo sa’kin.
Ang gusto ko lang naman noon ay makita muli si papa, mayakap siya. Pero gano’n ang ginawa nila.
Kung hindi lang sana nalaman o nakita ni papa na may kabit si mama, siguro masayang pamilya kami ngayon.
Siguro kay papa at mama ako, tapos may dalawang kapatid. Pero wala eh, ang daya talaga ng mundo.
EZEKIEL POV…
