JOUIELA POV...
Kakatapos lang ng lunch break at andito kami ngayon ni Yvielle sa tinatambayan namin.
Hindi pa rin pumasok si Shanaiah at hindi naman alam kung ano ang nangyari sa kanya. Wala kasing pasabi.
“Paano kung puntahan na lang natin si Shanaiah sa bahay nila?” suggest ni Yvielle.
“Eh, ang layo ng bahay nila, Yvie. Ilang sakay siguro. Nagbo-boarding lang kasi siya at dahil mayaman siya, magagawa niya lahat ng gusto niya,” saad ko.
“Eh mayaman ka rin naman, Jouiela ah,” anya.
“Mayaman nga pero ’di ko naman magagawa ang gusto ko. Napaka-strict kasi ng parents ko. Pinapayagan lang ako pag magkasama tayong dalawa at nakakagala lang pag pumapasok ako.”
“Okay lang ’yan, importante buo kayo ng pamilya mo,” saad niya kaya tiningnan ko siya nang seryoso.
Alam ko kasing matagal na niyang gustong makasama ang mga kapatid niya at papa niya.
Hindi ko man kilala ang totoong pamilya niya, pero naniniwala akong babalikan siya nito.
At sabi nga niya, bumalik na ang dalawa niyang kapatid pero ang papa niya hindi pa.
“Ano ka ba, be. ’Di ba sabi mo bumalik na ang dalawang kapatid mo? Nag-sorry naman sila sa’yo. Bigyan mo ng pagkakataon para magpaliwanag, at alam kong hindi rin gusto ng kapatid mo ang nangyari sa inyo dati,” mahinahong saad ko.
“Sabay n’yong hanapin ang papa n’yo, Yvie, dahil alam ko at naniniwala ako na pag nagkakaisa kayo, mahahanap n’yo ang papa ninyo,” dagdag ko. Napangiti ito.
“Salamat sa advice, susubukan kong pakinggan ang paliwanag nila,” anya kaya napangiti ako.
“Kayo na ba ni sir?” agarang tanong ko na ikinasama ng tingin niya sa’kin.
“Hindi ah,” asik niya.
“Pinapatawa lang kita, ano ka ba. HAHA,” natatawang saad ko.
“Bad mo talaga,” anya.
“Hayst, tara na at first subject natin, ’yung professor nating masungit,” saad ko.
Bali dalawa kasi klase namin kay Sir Ezekiel una sa umaga Filipino, tapos sa hapon ay Science.
“Sige sige.”
Sabay kaming naglakad paalis doon sa tambayan namin nang mapansin namin si sir na may kausap.
“GF siguro ’yan ni sir noh, mukhang close na close eh,” saad ko.
“Baka asawa nga,” saad naman nito kaya tiningnan ko siya nang may pang-iinis.
“Uy-uy.”
“Anong titig ’yan, Jouiela? Iba ’yan ah,” anya kaya napatawa ako.
“Selos ka noh? Sabi na nga ba, gusto mo si sir eh. Palihim-lihim ka pa, alam ko na, kilalang-kilala kaya kita,” saad ko at inaasar pa siya.
“Hindi ah. Tara na nga,” anya at nauna nang naglakad.
Napatingin pa ako kay sir, tama nga, baka asawa o GF niya, sweet kasi.
Nakarating kami sa room at wala pa si sir kaya umupo na kami. Nakita ko namang tahimik lang si Yvielle.
I know this, alam ko namang may gusto na siya kay sir, alam ko ’yun sa paraan pa lang ng pagtitig niya.
“Anyare?” tanong ko.
“Wala.”
“Parang ’di mo naman ako kaibigan, bebs. Sabihin mo na, ako lang naman ’to eh. Sige ka, magtatampo ako pag ’di mo sinabi,” saad ko na kina tingin niya sa’kin. Wala si Liam kaya nag-chismis muna kami.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
Storie d'amoreEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
