Napamulat ako at napatingin sa paligid. Sina Jouiela ay nakaupo sa may gilid. Anong nangyari? Nahilo ako kanina eh.
“Are you okay?” napatingin ako nang may magsalita — si Liam. Oo, tama siya, siya ang narinig ko kanina nang matumba ako sa sahig.
“Sobrang sakit talaga ng ulo ko eh,” saad ko at napahawak sa ulo ko. Masakit pa rin kasi.
“Stress ka daw at sabi ng nurse, huwag ka raw masyadong maraming iniisip. Nakakasama raw ’yon sa kalusugan mo,” seryosong saad nito.
“Ano ba raw sakit ko?”
“Bawal ka sa matatamis, Yvielle, kaya iwasan mo muna ’yang pagkain ng matamis. Kung hindi ka nadala dito, hindi namin malalaman ang sakit mo,” paliwanag niya.
Loh, paano na ako makakain ng chocolate nito? Hayst, bakit ako pa. Medyo nalungkot pa ako doon, pero wala naman akong magagawa kung ganito na talaga.
“Okay ka na ba, Yvielle?” tanong ni Jouiela nang makalapit ito sa’kin.
Malungkot ang mga mata niya habang si Shanaiah ay parang wala lang.
“Oo, okay na ako.”
“Mabuti naman kung gano’n. Bawal ka na kumain ng matatamis ah, iwasan mo muna ’yon, Yvielle. Ayokong mawala ka sa’min,” naiiyak na saad ni Jouiela kaya napangiti ako.
“Nako, huwag ka nang mag-panic. Okay na ako, Jouiela, at salamat kay Liam at nakita niya agad ako,” nakangiting saad ko.
“Magpagaling ka na, Yvielle,” biglang saad ni Shanaiah na ikinataka ko.
“Magaling na talaga ako, Shanaiah. Ano ka ba, huwag ka masyadong mag-alala diyan,” seryosong saad ko.
“Pinag-alala mo kami,” sabi niya sabay yakap sa’kin, na ikinangiti ko naman.
“Sorry na, pero okay naman ako. Pwede na siguro akong umalis dito, may klase pa tayo, ’di ba?” tanong ko sa apat na ikinatawa nila.
“Hapon na, Yvielle, o gabi na nga kung tutuusin. Malapit na mag-6. Ang tagal mong nagpahinga. Pero don’t worry, ihahatid na kita. Sina Jouiela kasi andiyan na ’yung sundo nila, so ihahatid na lang kita,” sabat ni Liam. Umupo ako sa kama na hinihigaan ko.
“Ah, Yvielle, mauuna na kami ha. Tinatawag na ako ni Dad. Tsaka Liam, ihatid mo nang ligtas ang kaibigan namin ah,” sabat ni Shanaiah na ikinatango ko. Niyakap nila ako bago tuluyang lumabas.
“Okay lang ba sa’yo, Liam? Ang bait-bait mo sa’kin, ang dami mo nang naitulong,” naiilang kong saad dahil kaming dalawa na lang sa loob.
“Nako, wala ’yon. Classmates kita, tsaka kaibigan na rin, kaya wala kang dapat ikahiya doon. Tara na, gagabi na rin,” saad nito at inilahad ang kamay niya. Nagdalawang-isip pa ako pero tinanggap ko rin.
“Ah, Nurse Kia, aalis na po kami. Salamat sa pag-asikaso kay Yvielle kanina ah,” pagpapaalam ni Liam kay Nurse Kia.
“Nako, wala ’yon iho, mag-iingat kayo pauwi.”
“Opo.”
Tuluyan na kaming lumabas. Nakaakbay si Liam sa’kin habang hawak ang kamay ko. Nahihilo pa rin talaga ako, sobrang sakit ng ulo ko.
“Ay, Liam, ’yung cp ko naiwan siguro doon sa clinic. Balikan ko muna,” bigla kong saad, pero paglingon ko, malayo na kami sa clinic.
“Huwag na, ako na. Just wait me here, okay? At huwag kang aalis, babalik ako,” saad niya kaya tumango ako.
Inalalayan niya akong maupo sa upuan. Medyo madilim na. Napalingon ako sa di kalayuan, may nakatingin sa gawi ko — o baka sa ibang direksyon iyon.
Hindi ko makita ang mukha niya kasi natatakpan ng dilim, paa lang ang kita ko.
