CHAPTER 8: falling

2.1K 31 0
                                        

YVIELLE LORAINE POV....

“Jusq, bata ka. ’Di mo sinabing may anak ka na pala.”

“Opo, te. Bigla na lang po kaming nagulat at dumating yang batang ’yan dito at hinahanap ka. Nang tanungin namin kung bakit at kung ano ka niya, sinabi niyang anak mo raw siya,” kwento nito.

Nasa sofa kami ngayon, nasa kwarto ko naman naglalaro si Azrael.

’Di ko alam kung anong nakain ng batang ’yon at pumunta dito sa bahay. At base sa mga sinabi niya.

Naintindihan ko naman na baka hindi niya talaga gusto ang sinasabi niyang babae.

’Di ko maintindihan, ang dami namang babae ni sir. Kung hindi si Ma’am Clarissa at Kim, edi sino pa?

May babae pa ba ’yung gagong ’yon? Nagkamali pa tuloy ako ng inaakala.

“Naku, ’di ko anak ’yon. Wala naman akong naging boyfriend simula noong naghiwalay kami ni Jaime, ’di ba?” saad ko.

Yes, I have an ex, si Jaime. Two years kami, pero iniwan niya ako nang wala man lang paalam.

’Yung last na kita namin, nag-celebrate pa kami ng anniversary namin, tapos kinabukasan nalaman ko na lang na umalis siya ng bansa.

Sobrang sakit para sa’kin noon, ’yung wala ka nang pakialam sa mga nakapaligid sa’yo, gusto mo na lang mawala.

Pero sabi ng kaibigan niya, umalis daw siya para sa company nila sa US, at doon talaga ako nasaktan.

Hindi man lang niya sinabi sa’kin. Umalis lang siya nang walang paalam. Sana sinabi man lang niya, pero hindi talaga.

Nag-antay ako, umaasang babalik siya, pero hanggang ngayon wala pa rin. Kaya natutunan kong kalimutan siya.

Siguro memories na lang talaga siya sa buhay ko.

“Alam mo, nagtataka nga ako eh. Wala ka namang boyfriend, bakit ka may anak?” sabat naman ni tita.

“’Di ko alam, tsaka po hindi ko talaga anak ’yon.”

Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok, kaya nagprisinta na akong magbukas.

Baka si sir na iyon. At tama nga ako, pagkabukas ko, si sir nga. Napangisi ako.

“Where’s Azrael?” seryosong tanong niya. Napangiwi ako nang makita ko si Kim—oo, si Kim nga.

“Ah, sa loob po. Pasok kayo.”

Sabay silang pumasok kaya napasunod ako. Kita ko ang gulat kina tita at Yla.

“Good evening, Mr. Guevara. Kayo ho pala. Anong kailangan n’yo dito?”

“Oh, I’m here for my son, tita,” ngising sambit niya at tumingin sa’kin. Tinaasan ko siya ng kilay, problema nito.

“Uy ate, andito na pala anak m—” agad kong tinakpan ang bibig niya. Gosh, andito ang asawa ni sir, baka isipin nilalandi ko siya.

“Uu, si Azrael andiyan na,” ngising sambit ko. Napakunot pa ang noo nito, kaya ngumiti na lang ako.

Bumaba kasi ang anak niya na nakasimangot nang makita ang babaeng kasama ng ama niya. Ewan ko ba kung anong problema.

“Come here, son,” saad nito sa anak at inilahad ang dalawang kamay niya. Napanguso ang bata.

Ang cute. Dahan-dahan itong lumapit, akala ko lalapit sa ama niya, pero sa’kin siya lumapit at niyakap ang paa ko habang nakaupo ako. Eh?

“Azrael?”

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now