PROLOGUE: mahaba bayan sir?

7.6K 59 3
                                        

“Are you late again, Ms. Sevellina?” bungad ng aking professor na nakatingin sa’kin.

“Sorry naman sir, traffic kasi,” kipit-balikat kong saad sa kanya.

“Traffic again? That’s always your excuse,” aniya.

Eh kasi sa tuwing male-late ako, iyon talaga ang sinasabi ko. Inutusan pa kasi ako ng tita ko kaya ako na-late.

“Eh totoo naman po kasi.”

“Tsk. Sit.”

Btw, ako nga pala si Yvielle Loraine Sevellina, ang haba pa ng name ko—kasing haba lang ng hair ko, churr.

I’m 21 years old at second year college. Wala na akong mga magulang, matagal na akong ulila at kinupkop lang ako ng tita ko na pinagtatrabahuhan ko kapalit ng pagkain at pag-aaral ko.

Wala na akong pamilya, at tanging ang tita ko na lang ang nagpapa-aral sa’kin. Kaya kahit anong iutos niya, sinusunod ko, basta huwag lang akong tumigil sa pag-aaral.

Simula bata pa kasi ako, wala na akong nakilalang magulang. Palaboy ako sa kalye noon, sabi ng mga tao iniwan lang daw ako. Naalala ko pa noong umiiyak ako sa sobrang gutom, si tita ang nagbigay sa’kin ng pagkain at simula noon kinupkop niya ako—pero ginawa rin niya akong katulong.

Agad akong umupo sa upuan ko at inayos ang pagkakaupo nang magsimulang magsalita si sir. Napatingin ako sa kaibigan ko nang tawagin niya ako—si Jouiela.

“Hoy?”

“Oh.”

“Totoo bang traffic palagi? Kasi ’yan lagi mong excuse. May test tayo mamaya, may notes ako dito. Gusto mo share na lang tayo?” saad niya habang nakatingin kay sir na seryosong nagdi-discuss.

Kung hindi ko tatanggapin ang alok niya, siguradong zero ako at bababa na naman grades ko kay sir. Kaya sige, keri ko ’to.

“Sige ba, ayoko na maging itlog sa subject ni sir,” reklamo ko.

“In one condition.”

“Ano na naman ’yan?”

“Basta, malalaman mo mamaya pag recess na,” nakangiting sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Importante ngayon na mataas ang makuha ko sa quiz. Hindi naman ako bobo, wala lang talaga akong notes kasi late na naman ako, kaya mangongopya na lang ako.

Napatingin kami kay sir nang magsalita siya.

“Kumuha ng isang buong papel at isulat ang naiintindihan n’yo sa sinabi ko kanina,” saad niya. Filipino teacher namin siya, at sa pagkakaalam ko, math teacher din siya sa kabilang room.

Dahil wala akong notes, binasa ko na lang ang sinulat ng kaibigan ko at doon ako nagbase. Iba-iba ang sagot namin, mabuti na lang at savior ko talaga siya.

Ipinasa na namin ang papel, at bumalik na ako sa upuan ko. Pero tinawag ako ni sir kaya napatingin ako sa kanya na may pagtataka.

“Ms. Sevellina.”

“Po, sir,” gulat kong saad.

“Paano mo nasagutan ang tanong kung late ka naman?” seryoso niyang tanong, kaya tumayo ako at matapang siyang tiningnan.

“Eh kasi sir, matalino ako, ’di ba guys?” nakangising pagmamayabang ko.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

“Shut up!”

“You, Ms. Sevellina. Paano mo nasagutan ’to? Explain it,” taas-kilay niyang tanong. Ang ganda ng boses niya kapag nagtatagalog.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now