CHAPTER 10: Muse!

2K 39 0
                                        

Kumakain ako ngayon, mga 6 pa naman kaya mabagal lang kilos ko. Wala si Tita ngayon, nasa tinitindahan niya.

Nasabi nitong nauna na si Yla, kaya ako na lang mag-isa ngayon. Napatigil ako nang tumunog ang CP ko, may nag-text.

“Yvielle, may nag-aantay lang sa’yo sa gate mamaya ah. Pag nilapitan ka nito at may itinanong, tumango ka lang.” Basa ko sa text nito.

“Opo na.” Reply ko. In-off ko muna ang CP ko at nagpatuloy sa pagkain.

Naalala ko ‘yung kahapon na kina-inis ko pa lalo.

FLASHBACK...

“Ah, Ms. Sevellina, paki-hatid ito sa office ni Mr. Guevara. Sabihin mo, permahan lahat ng yan, okay?” Utos sa akin ng isa sa mga instructor namin, kaya napangiti lang ako.

“Sige po.”

Kinuha ko yung mga papel at bumaba na. Nagkasalubong pa kami ni Liam na nakakunot noong nakatingin sa akin.

“San mo dadalhin yan? Mukhang mabigat ah.” Tanong niya.

“Ah, inutusan ako ni Ma’am, hindi naman gaano, tskaka kaya naman.” Saad ko.

“Tulungan na kita.”

“Ah, wag na Liam, kaya ko naman.” Saad ko, kahit ang totoo, hindi hehe.

“Sigurado ka?” Tanong niya.

“Opo.”

“Oh, sige, mag-iingat ka.” Saad niya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

“Good morning po, Ma’am Clarissa.” Saad ko nang masalubong ko ito.

“Oh, good morning Ms. Sevellina. San mo dadalhin yan?” Tanong niya at tinuro ang dala kong mga papel.

“Ah, kay Sir Guevara po.”

“Ah, sige.” Saad niya at naglakad na paakyat.

Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad upang makarating sa opisina ni Sir. Sobrang bigat ng papel, eh.

Sana pala, nagpatulong ako kay Liam. Kumatok ako pero walang sumagot, kaya binuksan ko ang pinto.

Nakita ko si Sir, nagsusulat sa table niya at hindi lang ako tiningnan.

“Pashensha ka na, Sir, pumasok ako, di ka kasi sumagot.” Saad ko at dahan-dahang lumapit sa kanya.

“Pinadala pala ito ni Ma’am, papermahan daw.” Saad ko at nilapag yung mga papers sa table niya.

Napatingin ako dito, hindi niya ako pinapansin. Napangiwi ako.

“Galit ka ba sa akin, Sir, dahil sa pag-sampal ko sa’yo kahapon? Sorry na doon, Ezekiel.” Matapang na tanong ko at saad ko dito, pero hindi pa rin niya ako binalingan ng tingin. Kaya naiinis akong lumabas.

“Bahala ka jan, nagsosorry na nga ako eh.” Inis na saad ko at sinara ang pinto.

“Sungit mo ikaw, na nga tong nanghalik sa akin, ikaw pa magagalit.” Saad ko at sinipa ang pinto ng opisina niya at umalis doon.

END OF FLASHBACK...

Nainis na lamang ako nang maalala ko yun. Sino ba naman, di maiinis, salita ko sa salita, tapos walang sumasagot, di ba?

Nang matapos ako kumain, niligpit ko na ito at lumabas ng bahay. Ni-lock ko ang gate bago ako nag-antay ng dadaanan ng masasakyan.

Nag-aabang ako ng masasakyan, nauna na kasi si Yla sa akin, maaga naman nagising kahapon.

Di talaga ako pinansin ni Sir buong araw, kaya tingnan natin ngayon kung mapapansin niya ako.

“Ah, sa ************ po.” Saad ko sa taxi na dumaan. Wala nang jeep, eh, kaya dito na lang.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now