Nagising ako nang marinig ko na naman ang sigaw ni Tita Marita. Kada umaga na lang ganito—nakakarindi na.
“Gumising ka na riyan, bata ka! Ihahatid mo pa itong order ng Ante Liza mo. Bilisan mo diyan at papasok ka pa sa paaralan!” sigaw nito na ikinabalikwas ko.
“Opo, palabas na po. Maliligo lang ako,” walang gana kong saad sabay pasok sa CR. Hindi ko na pinansin ang patuloy niyang sigaw—araw-araw na lang ganito.
Nang matapos ako sa routine ko, agad akong nagbihis. Napatingin ako sa cellphone ko—alas-siyete na pala. Maghahatid pa ako ng order, male-late na naman ako nito.
Masungit talaga ang professor namin. Kilala siya bilang isang magaling na professor at abogado—si Sir Ezekiel Guevara. Masungit nga lang, at may mission pa ako sa kanya.
“Oh, andoon na ba ang ihahatid mo? Kay tagal mong gumising! Alam mong may gagawin ka pa. Huwag kang feeling princess dito ha!” panenermon na naman ni Tita.
“Sorry na po, Tita.”
“Ay, sige na, umalis ka na. Naiinis mo ’ko, bata ka,” anya sabay talikod.
Napangiwi na lang ako. Simula nang kupkupin niya ako, tinuring na niya akong katulong. Kapag hindi ako sumusunod, ikinukulong niya ako at hindi binibigyan ng pagkain.
“Ate, aalis ka na?”
Napatingin ako sa anak ni Tita nang magsalita ito. Napangiti ako—si Yla. Siya lang ang mabait sa akin, siya lang ang karamay ko kapag sinasaktan ako ni Tita Marita.
“Oo, Yla. Ikaw, hindi ka pa aalis?” tanong ko. Grade 10 pa lang siya.
“Wala po kaming pasok. Halika ate, may ibibigay ako,” sabi niya kaya napakunot-noo ako at lumapit.
Paglapit ko, may inabot siya sa akin.
“Sorry ate, pero ito lang kasi ang naitabi ko. Hindi pa kasi ako binibigyan ni mama ng allowance,” sabi niya na nakangiti.
Nagulat ako—isang libo iyon.
“Ano ’yan, Yla? Huwag na. Pera mo ’yan. Hintayin ko na lang na bigyan ako ni Tita pagkatapos kong mag-deliver. Bibigyan naman niya ako nun,” sabi ko habang nakangiti.
“Ay te, sige na. Magtatampo ako pag ’di mo tinanggap,” malungkot niyang sabi.
“Eh kasi pera mo ’yan…”
Tumahimik siya at halatang nalungkot, kaya napabuntong-hininga ako. Ganito talaga siya—kapag hindi ko tinatanggap ang binibigay niya, nagtatampo.
“Sige na nga, akin na. Late na ako,” sabi ko.
Napangiti siya at inabot sa akin ang pera kaya tinanggap ko na lang.
“Ingat ka ate ha. Nasa labas na po ’yung ide-deliver mo, pati susi ng motor andoon lang din. Safe drive po,” paalala niya.
Napangiti ako at tumango, saka lumabas ng bahay.
Paglabas ko, agad kong nakita ang box ng cupcakes. Nandoon na rin ang address kung saan ko ito ide-deliver. Binuhat ko ito at inayos sa motor. One-hand muna ako para safe ang cupcakes—maarte pa naman ang pagbibigyan.
Sumakay ako sa motor at hinawakan nang maayos ang box habang pinaandar ito. Halos matumba pa ako pero nakailag naman. Nang makalabas ako ng gate, binilisan ko na ang takbo.
Nakarating ako sa address na binigay ni Tita at kumatok sa pinto. Napangiwi ako nang bumukas ito pero wala akong nakitang tao. May aswang ba sa bahay na ’to? Halurrr!
“Hey, ugly! I’m here, tsk.”
Napayuko ako nang marinig ang maliit na boses ng isang bata. Tantsa ko nasa apat na taong gulang pa lang siya.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomanceEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
